Chapter 16: Unexpected

30.1K 261 16
                                    

Kinabukasan.

Napakagat labi ako.

Habang papalapit kay Lola.

At nasa likuran ko lang si Paul.

Napagusapan na namin na sabihin na kay Lola.

Saka na sa iba pang myembro ng pamilya.

Syempre kasi aalis na sya mamaya. 

Tsaka mas maganda kapag legal.

Medyo mabilis nga ang mga pangyayare kung tutuusin.

Biruin mo, ilang linggong ligawan lang.

Tapos kahapon lang naging kami, ngayon naman pakilala na agad.

Medyo nagmamadali din e no? HAHAHA.K. Kabado pa rin.

L: "Oh, andito ka pala iho." 

"Ahmm.. Lola, si Paul po ulit.."

L: "Nako naman oo itong batang to, oo alam ko namang si Paul yan.. di ko nalilimutan."

"La hindi po.."

L: "Eh bakit pinakikilala mo ulit?"

"Si Paul po... hmm.. Boyfriend ko."

Nag-bless si Paul kay Lola.

P: "Mano po Lola"

Napalunok ako ng ilang beses!

O__O

L: "Kaawaan ka ng Diyos apo" naka-ngiti nyang sinabi.

Apo daw? O__O

L: "Alam na ga yan nina Kuya Ched at Ate Karina mo? Pati na din ang Nanay at Tatay mo?"

"Di pa po eh.. Eh di naman po kami nagmamadali, 1st day pa lang naman po namin, syempre special kayo, kaya gusto ko po kayo una makaa-alam. Pupuntahan ko pa nga po si Kaye eh, at sasabhin ko pa rin.."

L: "Oh sya sige apo"

"Ayos lang po senyo?"

L: "Oo naman, kung dyan ka sasaya eh, di kita pipigilan. Paul, wag mo pababayaan ang apo ko ha, ipagkakatiwala ko sya sayo."

P: "Opo Lola"

OMG =))))

LOLA TOLOGGOOOO! 

Lumuwag naman ang dibdib ko kahit papano!

"Lola, punta lang po kami kina Kaye. Salamat la ha! Love you!"

L: "Sige apo."

Lumabas na kami ng bahay.

At napa-sigh talaga ako ng wagas!

"Buti na lang talaga!!"

P: "Ang bait talaga ni Lola. Pero teka pagkatapos natin pumunta kina Kaye, sumama ka muna sakin."

"Oi oi! Di porket tayo na, kung san san mo na ko dadalhin ha!"

P: "Dumi ng utak nito! Basta sumama ka na lang okay?"

"Madumi agad ang utak?"

Tumawa na lang sya.

=)))

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now