Chapter 47: Merry Christmas.

20.9K 176 3
                                    

We're on our way home sa Batangas.

Hindi na namin masasalubong at maabutan ang Noche Buena ng sabay sabay.

Byahe na kami pagkatapos ng konting salo-salo.

Paano naman kasi, di sana sinabi nila agad para sa bahay na lang naghanda.

Napagod pa kami sa kakasikot nina Mame.

Kasabay na namin sina Kuya Ched pauwi ng Batangas.

Ala una na ata o alas dos na ng madaling araw ng ika-25 ng Desyembre kami umalis kina Kuya Ched.

Paskong pasko nasa byahe.

Sina Ate Karina mamaya daw pagputok ng liwanag babyahe.

Nagluluto na sa bahay sina Aling Luz pati si Lola.

Nagtext sakin si Paul na andoon na daw sya, tutulong kina Lola dahil wala rin naman na syang ginagawa sa bahay nila.

For sure naman hindi pa luto lahat pagdating namin kaya makakatulong pa ko.

Hindi na daw sila mga nagsitulog at mas okay daw magluto pag madaling araw.

Pasko pa rin naman kahit di namin nasalubong Noche Buena.

Mamaya na lang kami babawi.. Mamayang gabi kami mag-cecelebrate at magkakainan.

After 7 years, kompleto na ulit kami sa pasko.

At hindi lang yung family ko, extended family pa.

Tatlong pamilya kami ngayon :)

Puro pahinga muna ang mga taong nasa van.

Ako lang ata yung gising eh, di ko alam kung bakit ang kulit-kulit ng isip ko.

Nag-oover think na naman ako e.

Para kasing hindi rin ako sure kung talagang okay lang kay Paul yung sa trabaho.

Tapos, itong nagtetext pa sakin. May kung ano sakin na gusto ko syang replayan at itext.

Eto nga at hawak hawak ko yung cellphone ko.

At parang may kung ano na tumutulak sakin para i-text yun.

Di ako mapakali.

Magta-type, idede-lete, magta-type, idede-lete. >.<

Di ko ga alam kung bakit ganito ako, ang dali kong maniwala sa tao.

Sabi nga nila, lahat ng paniniwala at paninindigan mo ngayon, lahat yon natutunan mo noon.

Syempre Experience is the best teacher!

Madali ko rin kasing ibigay ang tiwala ko sa isang tao.

At di naman ako nabibigo na ibigay sa kanila, like samin ni Paul.

Pero sa taong to, na di naman ako sigurado kung sino o kung ano man sya, bakit parang naniniwala ako sa mga sinasabi nya? Hindi ko naman bibigyan ng oras to kung wala lang sakin e.

May pagkakaiba ba ang paniniwala sa pagtitiwala?

Para sakin wala eh, parehas lang yon.

Once na naniwala ako sa isang tao, sa intensyon at sa gusto nyang iparating, ibig sabihin may tiwala na ako nun.

Ala ewan ang gulo!!!

Lord! Penge naman ng sign kung dapat ko gang itext ang tao na to?

Maya-maya pa habang nakadungaw ako sa bintana at naka-stop ang sasakyan.

Sa katapat na jeep, may nakapagay na "Trust yourself. You know more than you think you do."

Lord, eto na ga yon?

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now