Chapter 80: John's POV

22.6K 270 46
                                    

Magkabarkada na kami nila Paul simula pa lang nung una.

Kilalang kilala na namin ang isa't isa.

Lalo na sa kalokohan.

Lahat kami ay galing sa mayaman na pamilya,

Pero hindi ibig sabihin noon ay mayayabang na kami.

Oo, may pagka-hambog kami pero mas gusto naming maki-get along sa mga ordinaryong tao, hindi sa mga sosyalin.

Dahil sa business ng aming mga pamilya,

Doon kami nagkakapare-parehas ng problema.

Problema sa pamilya specifically, dahil pare-parehas kami na walang kasama lagi sa bahay.

Kaya kami na lang lagi ang magkakasama.

Puro business inaatupag nila eh.

Kaya kami puro gimik na lang.

Hindi din naman kami nagpapabaya sa pag-aaral eh.

Isang beses na nasa mall kami.

Dala na rin sa lagi kaming nandito at walang magawa.

Di ko rin naman kasama yung GF ko eh si Trish.

We met sa school, pinakilala lang sakin ng mga kaklase ko.

Nainlove din naman ako sa kanya, pero hindi ganon ka-inlove. Tama lang.

Mabait naman sya eh.

Yun nga lang, may ugali sya na di k maintindihan paminsan-minsan.

Sabihin ng swerte ako sa lahat..

I have my wheels, fortune, talents and knowledge, pero hindi pala lahat basta na lang nadadaan doon.

May mga pagkukulang din, may mga kalungkutan din.

Si Justin babaero, pero loyal.

Mahilig lang yan makipagkilala kung kani-kanino pero iba din yan kapag tinamaan.

Si Chris ang pinaka-bestfriend ko sa tropa.

Kami yung matagal na talagang magkakilala, bago pa namin makilala ang dalawa.

Paiba-iba naman ng GF ang mokong na ito.

Hindi na nga nya naitatama ang pangalan ng babae eh.

Si Paul naman,

Sya yung pinakamayaman samin.

At kababata nyan si Mindi, yung sikat na artista.

Bigatin nga eh, hinahabol pa sya ng chicks na yon.

Lahat kami ay halos pare-parehas ng ugali,

Iba lang pagdating sa babae,

Kanya kanya kaming diskarte.

Pero kapag kailangan ng tulong ng isa, syempre tutulong kami.

Kahit kahihiyan.

Ako si John...

John Mark Melendez,

JM ang tawag sakin ng mga magulang ko.

Pero simula nung nagbinata ako.

John na lang ang tawag sakin.

Madalang na ako tawaging JM ngayon.

Palatawa at mapagbiro.

Simple kung manamit, pero matinik sa babae.

Biro lang, sa amin yatang apat ako lang yung nakaka-isa pa lang na GF.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now