Chapter 69 : New Bestfriend :)

19.3K 263 54
                                    

Lahat ay nakatitig saming dalawa,

At mga nag-uusap usap.

Bakit kasi ako sinundo pa nitong si John sa college.

Si Ate kasi may pakana eh,

Bad trip lang.

Siguro gulong gulo na ang mga tao dito.

Kasi kahapon lang,

Nakita nilang sweet na sweet si Paul at Kaye, ngayon sinusundo nya ako, baka naman iba isipin nila.

Wala naman yung samin ni John.

Di ko alam kung bakit nga ito bumubuntot sakin eh.

"Bakit kasi bumubuntot ka talaga sakin?"

John: "Wala trip ko lang. Masama?"

"Hindi naman, kaya lang baka intrigahin tayo nito."

John: "Ayos lang yun, tara na sakay tayo."

Tapos may lumapit na grupo ng babae.

"Diga ikaw yung barkada ni Paul? Bakit kasama mo si Jam?"

Sila yung babae na inasar ako kapahon sa may CR.

Andon ako sa may likod ni John.

John: "Oo ako ngayon"

Finlirt ni Girl si John.

Linapitan nya ito at hinawakan sa pisngi.

"Eh bakit mo sya kasama huh? Grabe lang ha, tinutuhog na kayo ng barkada nyo"

John: "We better go now."

"Wait! Ano number mo?"

Lumapit si John sa kanya tapos may binulong sa kanya.

Halatang kilig na kilig sya.

John: "Saka ko na ibibigay sayo kapag di ka na chismosa. Take Care Miss."

Na-shock yung babae.

Parang nainis nga sya eh.

Hinila lang ako ni John pabalik ng kotse.

"Sira ulo to, bakit mo sinabi yon?"

Tumatawa sya.

John: "Ayaw ko sa lahat yung mga ganong babae.Tsaka dapat lang yun sa kanya, walang preno ang bibig nya eh"

Di na ako umimik at nagsimula na sya mag-drive.

Tahimik lang ako.

Habang nasa daan kami,

Na-stock kami sa traffic kaya matagal kami makakauwi siguro.

Malas lang talaga >.<

Nang biglang may kumatok sa may bintana.

Binuksan ni John yung bintana.

Isang batang may hawak ng sampaguita tapos basahan.

"Kuya, bili na po kayo, wala pa po kasi akong benta eh, kailangan na po namin kumain ng Nanay ko at kapatid ko." sinabi nung bata.

Ngumiti si John tapos kinuha yung wallet.

Dinukot nya yung mga perang laman ng wallet nya, as in lahat.

Siguro almost 5thousand yun, or more.

Inabot nya sa bata.

John: "Ineng, bili kayo ng pagkain nyo, tapos mamili ka na rin ng mga laruan na gusto mo."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon