Chapter 44: 6th day sa Baguio.

22.1K 174 3
                                    

N: "Oh, bakit ang pula nyo dyang dalawa?"

Tumawa ng malakas si Aldrin.

A: "Alam na!"

Binatukan sya ni Kaye.

"Ikaw! kung ano-ano iniisip mo ha!" sabi ni Kaye.

L: "Oo nga! grabe ka magisip!"

A: "Wala naman ako sinasabi ah"

"Ang init kasi kanina, nagbalak kami magluto kaya lang di gumagana yung steamer, yung usok nun nag-ano sa mukha namin."

K: "Sabagay, maputi kasi kayong dalawa kaya madali kayo mamula. Kaya ikaw Aldrin tumigil ka ha, kung ano ano nasa isip mo"

Napakamot na lang sa ulo si Aldrin at nagtawanan kami.

Umupo sila at mga nagsipahinga.

N: "Ang pagsalayo naman ng nilakad namin, a-re kasing si Anne. Nagkamali ng direksyon"

AN: "Anong ako? Eh kaw nga dyan may hawak ng mapa eh."

N: "Eh kaw yung nagtanung-tanong eh"

L: "Oh, bangayan na naman yan"

AN: "Eh kayo ga Len? San kayo pumunta?"

L: "Secret" sabay ngiti at tingin kay Sam.

Napaka-pilya talaga!

A: "Kayo ha!"

K: "Oh, mang-aasar ka na naman dyan. Halika nga dito at tayo'y magluluto"

"Kami na lang ni Paul bes" sabi ko.

Tumayo ako at hila-hila ko si Paul.

Nagkwentuhan sila dun, habang kami nag-aasaran dun sa kusina, kasi naman yung kanina. Basta ang awkward naman masyado kung babanggitin ko pa yung mismong ginawa namin.

P: "Bat ka kasi namula?" biro nya.

"Ako lang daw, kaw din eh. Wag ka ngang magmaang-maangan jan!"

P: "Eh pano, nag-init ang paligid bigla" sabay paypay at tumawa.

"Langya ka!

P: "Muntik na tayo dun kanina."

"Oo nga eh, kaw kasi"

P: "Ano?"

"Wala. Mabuti na lang at naiba ang usapan. Tara nga luto na tayo."

Habang nagluluto kami.

Naririnig ko tawanan nila.

Parang mga di pagod ah.

L: "Kawawa nga tong si Sam ko eh, hirap na hirap"

K: "Bakit naman?"

L: "Eh kasi..." sabay tawa.

S: "Pano yang kaibigan mo, paakyat kami ng burol eh nagpa-karga ga naman sa likod ko. Ayaw magpapigil. Sakit tuloy ng likod ko."

L: "Kaya nga minamasahe ka eh"

S: "Kayong mga babae talaga! Kapag may kasalanan, napakalambing! Kapag kami namang mga lalake ang may kasalanan, siguradong susunod kami sa yapak ni Rizal sa pagiging dakila sa kakaintindi senyo!"

L: "Ulul! Baka gusto mong tuluyang sumunod sa yapak ni Rizal, ilalagay ko yang ulo mo sa piso!"

Nagtawanan ang lahat.

A: "Teka, San nga pala yung nagbabantay satin?"

K: "Aba ewan ko, pero baka nandyan na sya."

Tapos na pala mag chop ng sibuyas at bawang si Paul.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now