Chapter 59: Curious.

19.4K 213 28
  • Dedicated to Odessa Apduhan Paran
                                    

This Chapter is dedicated to Tita ODESSA PARAN :) She really inspired me :) Nabanggit na sya last Chapter, di ko lang tanda kung saan, pero di pa uso sakin ang dedication non. Kaya ngayon eh gumawa ako ng way para po maulit uli :) Thanks po sa pagsubaybay :)

_________________________

Nandito kami ngayon sa bahay nina Kuya Ched, kasi nga Birthday ni Mon.

Nag-iinuman sila, habang kami naman ay nasa loob at kumakain.

Kasama ko si Len ngayon, di na kasi pinayagan si Anne at Kaye. Medyo malayo daw kasi.

Habang kumakain kami.

Ate Mimi: "Oh Jam asan yung boyfriend mo? Bakit di mo kasama?"

Napatingin sakin si Aling Luz pati na din si Len.

Nag-isip muna ako saglit bago sumagot sa tanong nya.

"Ah eh, tatawag daw po kasi sa kanila yung parents nya kaya di po sya makakasama."

Ate Mimi: "Nakadalaw na ga kayo kina Ate Karina mo? Hinahanap ka eh, di daw kayo napunta?"

"Pati po si Paul hinahanap?"

Ate Mimi: Ngumiti sya "Nako, kailan pa ga naman hinanap ng ate mo si Paul."

Oo nga pala, medyo di pa din okay kay Kuya Ched at Ate Karina si Paul.

Ngumiti na lang ako.

Tapos tuloy ulit sa pagkain.

Maya-maya ay lumabas na kami ni Len.

Tapos nag-ikot ikot kami.

Tagal ko na din kasing di nakakapunta dito.

Habang kami ay naglalakad.

May kumulbit sa likod namin.

Nagulat ako.

Yung kaklase naming si Odessa.

"Oh bakit ka nandito?"

"May bahay kami dyan lang. Kayo ang bakit nandito?"

"Taga dito kasi ang mga kuya ko. Eh birthday ng pamangkin ko kaya nandito kami"

Habang nag-uusap ay naglalakad kami.

"Talaga? Ah dun siguro sa may nagkakantahan kagabi pa. Madalang naman ako pumunta dito eh kaya di ko msyado kilala ang mga kapitabahay. Di ko lam na taga-dito din pala ate mo"

"Ay ganon. Oo punta ka mamaya ha. Ano ga ginagawa mo ngayon dito?"

"Ala wala ngang maggawa eh, pumunta lang ako dine gawa ng may pinapaasikaso ang parents ko sakin. Aside from reading pocketbooks, kasama na yung Christmas gift mo sakin eh. Wala na yun lang. Buti nga nakita ko kayo eh."

"Ah ganun ga. Adik ka din talaga eh no?"

"Asus, ikaw din naman eh, bago mo pa makilala yang si Paul na heartrob na yan" sabay kilig.

Hinampas sya ni Len. "Yan! yan napapala mo sa mga nababasa mo eh"

"Wagas lang makahampas? Sus, kasi may lovelife ka, eh ako wala. Kaya hanggang pocketbook lang ako" sabi ni Odessa.

Tumawa na lang ako.

Kung alam mo lang Odessa, di na yata kami.

Ang labo nya kasi.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now