Chapter 13: Inspired

30.3K 279 10
                                    

Magsisimba kami ni Kaye.

Hindi awkward kahit nagkagalit kami kagabi!

Jusko ha, aarte pa ng ganon eh ang tagal na naming mag-bestfriend.

Pero syempre uso pa ring mag-sorry at magpakumbaba!

Nakita ko sya na palabas ng gate nila.

Nilapitan ko na sya.

Walking distance lang naman bahay namin sa simbahan.

Kaya nilalakad na lang namin.

"Uy Kaye, sorry kagabi ha."

K: "Ayos na yon! Tara na male-late na tayo!"

Sabi senyo, para kaming ewan. 

Mag-aaway, pero kinabukasan parang walang nangyare, basta may isa lang talaga na magsosorry.

Kapag wala, yun lang, ilang araw din kaming hindi naguusap pag ganon :D

"Ang saya mo ngayun ah. Naka-drugs ka na naman no?"

K: "Drugs agad? Tae.. Wala!"

"Sus ganyan siguro talaga kapag inlove ano? Umaarte e!" pang-aasar ko.

Bigla syang napatigil sa sinabi ko.

"Oh, bakit nawala yang ngiti sa mukha mo? May problema ga?" 

K: "Ahh, wala naman.. may naalala lang ako"

"Weirdo nito! Si Aldrin na naman yun no? Malandeeeee!"

K: "Secret! Wag ka na ngang pakialamera jan." sabay tawa.

"Nagtatago ka na naman sakin? Tsk!"

K: "Aba!!"

"Oo na! Joke lang! Highblood agad?! Kalma!"

K: "Okay.. I'm calm, I'm calm" sabay tawa na naman.

Dami talagang kabaliwan ng frendship na to =))

Nakapasok na kami ng simbahan..

Then after 1 hour..

Natapos na yung misa.

Normally kumakain kami ni Kaye pagkatapos sumimba pero ngayon mas pinili naming umuwi muna.

Di kasi ako pwede gumala kasi madami pa rin kong gagawin.

Habang naglalakad pauwi.

K: "Uy may party nga pala mamayang gabi! Tara!"

"Anong party naman yan?"

K: "Halloween party malamang!"

"As if naman na papayagan ako ni Lola. Alam mo namang may pasok pa bukas, tsaka masyadong gabi na."

K: "Eto naman, walang ka social-social life. Sige na! Pilitin mo na si Lola Cho!"

"Kayeeee! Kelan pa ga naman ako pinayagan lumabas ng hating gabi ni Lola?"

K: "Never, pero... malay mo, 1st time ngayon!"

"Kaye! Sorry, di talaga ako pwede. Sama mo si Aldrin!"

K: "Pupunta nga sya, kaso kasabay siguro nun si Andrea"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon