Chapter 60: Discovery

18.7K 193 88
                                    

Eto na.

On the way na ako sa Taal, para pumunta sa Salvino Hotel.

Within 30 minutes nandoon na ako.

Kinakabahan na ako.

Para ngang sumasakit ang tyan ko sa sobrang kaba.

Nakatatak pa din sa isip ko ang mga sinabi nya kagabi.

BUT DON'T YOU EVER CRY INFORNT OF ME.

Nakasilip lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang ganda ng view.

Habang ako ay naka-shades at naka-simpleng pananamit lamang.

Maya-maya pa ay nandito na ako sa Taal.

At pagkababa ko ay,

Sumita na din ako ng tricycle.

"Manong doon nga po sa Salvino Hotel"

"Sige po Miss Ganda"

Nambola pa si Manong >.<

Habang nakasakay ako ay kinakausap nya ako.

"Parang ngayon ko lang nakita mukha nyo Miss ah. Di po kayo taga dine no?"

"Opo, may pinupuntahan lang po akong kaibigan."

"Kilala nyo ga po ang may ari ng pupuntahan nyo? Ang Salvino hotel?"

Pinili ko na lang sabihin na di ko kilala. "Hindi po, bakit po?"

"Napaka-bait ng mga Salvino na yan. Pinalalago din nila ang turismo ng Taal, dahil sa hotel at restaurant nila. Tsaka si Mr. and Mrs, Salvino kapag dumadating galing ibang bansa, di mga yan nakakalimot na magbigay sa mga tao dito sa Taal. Minsan nagpapakain sila. Kaya nga sila binibiyayaan ng magagandang bagay dahil na din sa kabaitan nila. Nako, sikat na sikat ang mga yan dito. Walang wala kaming masasabi sa pamilya na yan"

Nagkunwari ako na di ko talaga sila kilala "Pamilya? May anak po sila?"

"Ay opo mam! Si Sir Paul po, mga kasing edadan nyo din. Ke-gwapong bata. Eh lahat nga ng babae dito eh gustong gusto yan. Lalo kapag iyan eh nandito sa Taal."

"Ganun ga po, eh nandyan ga po sya?"

"Bakit Miss interesado ka gang makilala si Sir?" pang-aasar nya sakin.

"Di naman po naiintriga lang po kasi ako sa sinasabi nyo."

"Biro lang miss, oo nandyan sya, nakita ko sya kahapon eh."

"Talaga po? May kasama ga pong babae?"

"Kaw ha miss, nagiging interesado ka nang masyado kay Sir. Wala po akong nakitang kasama nya."

"Di naman manong, grabe ka naman"

"Biro lang ulit miss, eh yung si Mindi Co. Kilala nyo ga din yun?"

Eh chismoso din pala tong si Manong >.<

"Ah eh, opo"

"Nako, patay na patay yun kay Sir. Eh nung ngang mga lima hanggang anim na buwan na ang nakakaraan eh, may nabalitang babae na inaway daw nyang Mindi na yan, gf daw ni Sir Paul. Ganyan kalakas ang appeal ni Sir. Swerte ng gf ni Sir sa kanya. Nasa kanya na ang lahat eh."

Swerte nga naman ako,

Dahil di ko akalain na ganito sya kasitkat dito.

At di rin maiiwasan na magkaroon sya ng iba,

Sa sinabi ni manong na lahat ng babae dito ay may gusto sa kanya.

Sino ga nga naman ako :(

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now