Chapter 76: Patawad

18.4K 205 61
                                    

Naguguluhan na talaga ang mga tao sa paligid namin dito sa college.

Ilang araw pa lang ulit kami ni Paul dami na namang intriga.

Nako at lalo pa't dito na napasok si Mindi >.<

Di pa nagtatagpo yung landas landas namin eh.

Mabuti na yung ganito, kesa naman sa asarin na naman ako ng babae na yon.

Pero nakakapag-taka kung bakit di pa kami nagkikita.

Sabagay, malaki din naman yung college eh.

Tsaka mag-aaksaya pa ga naman ng oras sakin yun?

Syempre hindi na.

Sa mga fans na lang nya dito sa La Salle.

Ala basta,

Ako masaya ako, gawa ni Paul.

Kahit na may issue dun sa sinasabi ni John.

Pagkakatiwalaan ko pa din si Paul.

At sana tama yung pagkampi ko sa kanya.

Second Chance na nya to,

Pakiramdam ko kapag niloko nya ulit ako,

Mahihirapan na akong patawadin sya, at baka ako na ang sumuko sa kanya.

Anyways.

May date na naman kami ni Paul.

Lagi naman eh.

Inaraw-araw na namin simula nung naging kami.

Wala sa pagkain lang naman talaga umiikot ang date namin eh :)

"Kelan naman ang uwi ni Tita at Tito dito sa Pinas?"

P: "Di ko alam eh, baka matatagalan pa, gusto nila fully recovered na si Mama kapag bumalik dito."

"Eh kamusta naman yung business nyo?"

P: "Minsan ako din yung humahawak. minsan naman yung business partners ni Papa."

"Ah. San ka ngayon nakatira? Dun pa din sa hotel nyo sa Taal?"

P: "Hindi, balik na ulit ako dun sa bahay namin sa Padre Garcia. Mas peaceful dun eh, pakiramdam ko at home na at home ako dun. Kesa sa hotel. Parang lagi na lang may Sir na natawag, nabibingi ako."

Natawa ako dun ah :P

"May ganun talaga? Drama mo uy!"

P: "Yan ka na naman sa pang-aasar mo eh."

"Hindi na, hindi na. Promise" with matching smiles pa yun.

P: "Ikaw yang ngiti mo pang-asar eh."

Lumapit sya sakin tapos tinakpan yung bibig ko habang ginugulo yung buhok ko.

Natatawa na lang ako sa pinagagawa ng lalaking to.

P: "Oh ano, mang-aasar ka pa?"

Namumula pa din talaga ako sa kakatawa.

Kasi napipikon sya. :D

Laughtrip talaga ang lalaki na to.

Nang nakita nyang namumula ako sa kakatawa eh,

Bigla bigla na lang nya akong hinalikan sa lips.

Tapos napatigil.

P: "Oh ano napatahimik ka no? Sabi na eh."

Tiningan ko sya ng masama tapos hinigit yung buhok nya.

"Ulol ka talaga!"

Ngayon naman sabay na kaming tumatawa.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now