Chapter 39: Baguio.

22K 181 5
                                    

P: "Jam... wake up. Kumain ka muna..."

Sa sobrang tagal ng byahe nakatulog na ako.

Gabe na kami makakarating kasi alanganin naman yung oras nung umalis kami eh.

Pagkamulat ng mata ko, ang maamong mukha ni Paul ang sumalubong sakin.

Nakita ko na madilim na ang paligid.

Nag-stop over muna pala kami sa isang place kung saan pwedeng kumain.

Binaba nila yung mga pagkain na padala ng Mame.

Tiningnan ko yung phone ko. 7:30pm na pero nasa kalahati pa lang kami papuntang Baguio.

Bumaba na kami ni Paul.

AL: "Halika iha, kain na tayo"

Magkatabi kami ni Paul at may kanya kanyang duty ang mga kaibigan ko.

K: "Aling Luz, hindi ga po kayo na-iinggit kayo lang ang walang partner?" pabiro nya.

AL: "Nako naman iha, ayos lamang ako. Hindi naman ang pagkakaroon lang ng asawa ang nakakapagpasaya sa isang tao... yung taong mga nakapaligid, sapat na."

K: "Naks! Hugot pa more Aling Luz!"

AL: "Ikaw na bata ka talaga oo."

S: "Nandyan naman si Mang Pedro yung driver natin" 

Nagtawanan kaming lahat at kinantyawan si Aling Luz.

At hindi pa nakontento ang mga to.

Hinila ni Len si Mang Pedro sa tabi ni Aling Luz.

Napakamot sa ulo si Mang Pedro.

AL: "Kayo talagang mga bata kayo"

A: "Eh byudo na naman si Mang Pedro tapos wala naman kayong asawa Aling Luz, pwede na"

"Ayan! Eh di lahat may partner" :">

Nagtawanan ang lahat sabay pinagpatuloy ang pagkain.

Mga gutom na gutom ah.

L: "Jam, sarap ng tulog kanina ah." 

"Bakit di ga kayo nakatulog?"

L: "Hindi eh. Ikaw nga lang dyan"

A: "Pano kasi nagda-drive si Paul, kaya walang maka-lambuchingan" 

"Ha? Di kaya. Pagod lang talaga ako."

P: "Wag kang mag-alala guys... mamaya hindi makakatulog yan.. diga Jam?" sabay ngumiti at pinag-tataas ang kilay ng paulit-ulit.

"Pilyo ka talaga!!!"

Namula naman ako eh (-/////////////////-)

Sira ulo talaga :">

A: "Masyado na kayong nilalanggam. Sya tama na yan! Medyo awkward kaya no Paul? nakikinig parents mo. Shunga mo talaga..."

TV: "Nako okay lang sakin. Nag-eenjoy lang kami dito ni Tito nyo. Sige lang mag-istoryahan lang kayo jan"

Nakita namin na sinubuan ni Aldrin si Kaye.

A: "Ayyy taray may ganong kaartehan."

N: "Sus nainggit ka lang Anne, paparinig ka pa."  sabay sinubuan ni Nicko si Anne.

L: "Ka----" hindi pa tapos humirit si Len ng sinubuan na agad ito ng isang kutsara ni Sam. HAHAHAHA!

Book 1: Second Chance (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora