Chapter 51: Small World.

19.1K 155 3
                                    

Nasa work ako maghapon.

Medyo may oras na hindi busy. Kaya may chance para makakwentuhan ang mga katrabaho ko.

Katulad na lang ni Majean.

Inaasar nya nga ako dun sa isang chef na 23 years old na may gusto DAW sakin.

Jojo Wenceslaw pangalan nun.

"Nako Majean tigilan mo ko dyan kay Jojo ha."

M: "Bakit naman? Gwapo naman ah!"

"Oo nga pero feelingero msyado"

M: "Bakit?"

"Kung maka-ngiti naman sakin akala mo naman may gusto rin ako!"

M: "Bakit, wala ga?"

"Wala no! May boyfriend ako!"

M: "Aba hindi naman masama ah."

"Loyal ako. Di na ako lumilingon sa iba pa."

M: "Aba aba. May ganon??"

"Hahaha! Basta ayoko. Di ko tipo mga ganyan!"

M: "Sayang. Gusto ka pa naman nyan."

"Sus kahit pa."

M: "Sige sabi mo e."

Pagkatapos ng shift namin.

Sabay sabay kaming lumabas nina Majean.

Nakita ko yung sasakyan ni Paul.

At andun sya nakatayo sa may pinto ng kotse nya.

Mukhang kanina pa nag-aantay.

Nang biglang itong Jojo na to eh lumapit sakin.

Di naman nya alam na may boyfriend ako eh.

Pagkalapit nya, "Hatid na kita"

M: "Nice nice!"

"Anong nice nice ka dyan! Andyan boyfriend ko!"

M: "Weh? Asan??"

Biglang lumapit at umakbay sakin si Paul.

P: "Tara na?"

Napa-OMG si Majean sabay bulong sakin.

M: "Jusko po. Kung ganyan din naman pala kagwapo ang jowa ko, hindi na talaga ako lilingon sa iba!"

"HAHAHA. Sira ka talaga!"

Pinakilala ko sya kay Paul.

J: "Bo-boyfriend mo??"

"Oo bakit?"

J: "Ah wala wala."

P: "Bakit may problema?"

J: "HAHAHA. Wa-wala naman pare. hahatid ko sana tong girlfriend ko." Sabay tingin kay Majean.

M: "Aba buti ka pa alam mo na boyfriend kita! Ako kasi di ko alam!"

J: "Wag ka na maingay jan. Si-sige pare. Una na kami"

Sabay na sila naglakad ni Majean. Hahaha. Kalerki.

Tumingin ako kay Paul at ngumiti.

"Ikaw naman tinakot mo eh"

P: "Di kaya, nagtanong lang ako eh"

Pumasok na kami sa kotse nya.

"Bakit nga pala nandito ka? diga may night class ka pa?"

"Absent yung teacher namin eh"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant