Chapter 62: Kaye's POV Part 2

20.7K 197 191
                                    

Continuation po eto ng Chapter 3: Kaye's POV Part 1.

Pero this time, binigyan ko ng mga detalyado pang intro, pero dinugtungan ko lang yung sa Chapter 3.

Para mairecall nyo, read nyo yung Chapter 3 let, 2 pages lang naman yun.

Enjoy! :)))

_________

Ako si Kaye Ann Buenaventura.

Ang echosera at pakilamerang bestfriend ni Jam.

Since birth eh magkakilala na kami ni Jam,

Panong hindi eh magkadikit na magkadikit ang bahay namin?

Tapos lagi pa parehas pinapasukan.

Lagi magkaklase, yun nga lang nagkahiwalay kami nung college.

Magkaiba ng course eh, sya kasi HRM ako business ad.

Eto nga at nakilala nya na tong si Paul.

Type ko sya, pero pinaubaya ko na kay Jam, sya naman etong gusto eh.

Ay kung makapag-pick up lines lang eh wagas ang dalwang to eh.

May date sila, pero di naman ako umeepal.

Kung tutuusin ako nga ang bridge nila eh :)

Gusto ko sana magka-love life talaga tong si Jam.

Halata naman na na-hook up na rin tong si Jam.

Di nya lang sinasabi, CHOOOOS!

Sinong di magkakagusto dun?

Eh may ari ng Salvino Hotel pala ang pamilya non.

Lahat asa kanya na no!

Yun nga lang nabanggit ni Jam. Medyo ma-feeling daw at seloso, konting GM lang, imbyerna na!

Pero sadyang ganon lang yun,

Kabilis nga ng mga pangyayari, di ko akalain na magiging sila din :)

Kahit ang lame ng first date nila.

Kaya lang ang sweet ng pagkabawi nya kay Jam ha.

Hay, Eh yung crush ko na si Aldrin, nagpaparamdam pa lang.

Pero alam ko manliligaw din yun.

Sayang talaga, kung ako lang nauna kay Jam, nako walang kung ano ano eh sinagot ko na yang si Paul.

Parang naka-jackpot sa lotto.

I remember nung unang araw na nagpakita si Paul sa bahay nila Jam, first date din nila nun.

Andun ako eh, nasa kusina nila.

Kumakain :)

Andon sina Kuya Ched at Ate Mimi.

May flowers tapos talagang pinagpaalam pa sa bahay nila.

Buti pumayag sila.

Eh kung ma-tanong nga ni Kuya Ched si Paul habang nasa taas si Jam eh inam talaga.

Di ako nakikinig kasi naghuhugas ako ng plato na pinagkainan ko.

Actually yung pink roses na favorite ni Jam,

Na dala ni Paul,

Ako ang nagsabi nun kay Paul eh, gusto ko sya tulungan kay Jam eh.

Sabi na eh, magugustuhan nya yun :)

Kilig na kilig nga ako eh,

Ako pa yung bestfriend lang.

Ewan ko kasi, crush ko lang talaga siguro si Paul.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu