Chapter 11: Surprise

32.8K 320 40
                                    

Tsss!

Lagi na lang di nagrereply tong si Paul -__-

Nakaka-tamad din kaya mag-intay sa wala!

Sana naman nag-papaaalam bago hindi magreply ano?

Bumuhos na naman ang malakas na ulan.

Wooo! Lamigggg!

Makapanood na nga lang ng TV.

Habang nanunuod ng TV.

Nakaramdam ako ng gutom.. Kaya nag-decide ako na magluto ng popcorn sa baba.

Tutal commercial pa naman.

Habang nagiintay na matapos ang pag-ikot ng bowl sa microwave.

Pasilip silip ako sa cellphone ko.

Ugok talaga yun di na talaga nagtext >.<

After 5 minutes luto na yung Popcorn ko with Butter flavor.

Umakyat na ako ulit.

At nanood na ulit.

Ang sarap tumambay sa kwarto kapag mga ganitong panahon.

Nakaka-antok at nakaka-relax!

Biglang..

May kumalabog sa labas!

Anak ng!!!!

Sumilip ako sa bintana.

PAUL? O__O

May dalang ipod player at speaker.

Kaso mukhang di gumagana.

P: "Saglit lang ha.. Gumagana to kanina e."

Tinatapik tapik nya.

"Ano ga yang gagawin mo?"

P: "Saglit lang.. saglit lang talaga.."

Biglang gumana yung speaker.

May tumunog na minus one..

Tipong instrumental pa lang, namatay na naman yung speaker.

P: "Tsss. Bakit ngayon pa?!"

Pilit nyang inaayos yung speaker.

Naka-silong lang sya sa may maliit na bubong sa tapat namin.

Medyo nababasa na nga rin sya.

"Tama na yan. Pumasok ka nga sa loob, at baka mabasa ka pa lalo."

P: "Hindi, hindi pwede, kailangan gumana to. Ang tagal kong nag-practice, hindi pwedeng mabale-wala lang."

"Sige bahala ka dyan.."

Nakahalumbaba lang ako sa bintana.

At nagiintay sa gagawin nya.

After 10 minutes..

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now