Chapter 17: Galit

28K 250 1
                                    

A.K: "San ka ga nagpupunta at napapabayaan mo na si Lola?!"

"Eh ate...." si Ate... Galit na galit. =(

Tumingin sya kay Paul.

A.K: "Dahil sa kanya? Alam ga to ng mga Mame?!"

Umiling ako.

A.K: "Makakarating to sa kanila!! Kayo na nga lang ni Lola sa bahay, tapos iiwan mo pa sya para lang makipag-date?!"

"Ate, di ko nman po alam eh, nagpaalam naman po ako ng maayos kay Lola at pumayag naman......."

Di ko na natapos ang sinasabi ko ng nagsalita si Ate.

A.K: "Malamang paayagan ka nya!! Jusko naman Jam! Matanda na si lola, at iniwan mo pang walang bantay, anung gusto mong mangyare, matuwa kami sayo!?"

P: "Ahmm. Mawalang galang na po... pero ako po yung may kasalanan.."

A.K: "Tumahimik ka nga jan! Di kita kinakausap!"

"Sorry na ate.." Naiiyak na ako. =(

A.K: "Kaya nga sayo ipinagkatiwala e!! Tapos basta basta mo na lang iiwan si Lola?! Paano kung mas malala pa ang nangyare sa kanya? Kakayanin ga ng konsensya mo?!"

"Ate.. "naiyak na ako ng tuluyan ='(

A.K: "At ikaw lalake, kung sinsero ka tlaga, bahay muna at hindi kung san san ha?!"

P: "Pagpasensyahan nyo na po..."

Di na nagsalita si ate at pumasok na sa loob ng kwarto ni Lola..

P: "Tara, pasok tayo sa loob."

Pinunasan nya yung luha ko.

P: "Tahan na.. tara na sa loob."

Pumasok na kami sa loob..

Nandun si Kaye.

Nakatingin samin at lumapit.

Niyakap nya ako.

K: "Jam.. okay na naman si Lola.. wag ka na umiyak dyan.. Na-hilo lang sya sa sobrang pagod."

A.K: "Pasalamat ka at yan lang ang nangyare kay Lola!"

Lumapit ako kay Lola.

Pero natutulog pa sya.

Mabuti naman at di malala ang nangyare sa kanya..

"Lola, pasensya na po, napabayaan ko, Sorry po talaga La." 

Biglang nagbukas ang pinto at dumating si Kuya Edwin yung asawa ni Ate Karina na may dalang pag-kain.

Wala pa silang anak.. At si Ate talaga, madaling uminit ang ulo.

At kapag nagagalit sya, natatakot ako talaga..

Si Kuya Edwin naman parang si Ate Mimi, yung asawa ni Kuya Ched, suportado ako at di mahigpit di gaya ng dalawa kong kapatid, super higpit.

Pero naiintindihan ko naman kung bakit e..

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now