Chapter 49: Break

20.2K 172 14
                                    

Pasukan na naman.

Every morning magkasabay kami ni Paul pumasok.

Parehas na kaming sa La Salle Lipa pumapasok e :)

Ihahatid na din nya ako mamaya sa pagtatrabahuhan ko.

Gusto nya hatid sundo ako e. Hahaha! Ganda ko!!

Pero di ako pumayag kasi gabi na ako lalabas.

Ma-papagod pa sya, lalo pa at ang dami nilang ginagawa palagi.

Kaklase nya nga si Kaye.

Tinutulungan sya ni Bes na maka-cope up sa mga nalampasan nyang lessons.

Nung lunch time nagkita kami at nagkasabay kami sa pagkain, kasama si Kaye, Len at Anne.

"Kamusta first day Paulskiii?"

P: "Ok naman, malaking tulong nga yung tinuturo ni Kaye."

"Nako, matalino yang si bes, kaya mabuti at magkaklase kayo"

K: "Bes naman, simpleng bagay" sabay tawa.

"Gaga! HAHAHA. Tunay naman eh. Pero salamat bes ha"

K: "Nako wala yun noh!"

"Bakit blooming ka yata ngayon Kaye?" sabi ni Anne.

L: "Syempre may jowa e! Dahil kay Aldrin malamang!"

K: "Sus matagal na kong blooming!"

"Asus, parang di nag-aaway sila ni Aldrin ah"

K: "Di naman talaga, minsan lang"

"Haha oo na!"

K: "Nga pala, alam mo ga namang lahat ng mga kaklase namin eh lalanding lalandi at ako pa ang ginagawang taga pasa ng mga messages nila kay Paul?"

Napatawa ako "Talaga?"

K: "Oo kaya, nakakaasar nga sila eh. Nag-aaral kami tas mambubulabog ng dahil lang don."

"Baka pinapasa mo nga ha? HAHAHA"

K: "Asa no. Di sinabunutan mo ko!"

"Aba buti alam mo! HAHA"

Sabay paling kay Paul.

"Kaw ha! Baka chumochonde ka rin ha!"

P: "Alam mo namang di ko gagawin yun"

"Siguraduhin mo lang at talagang tatapyasin ko yang tenga mo!"

Nang narinig namin yung usapan nung nasa kabilang table.

Sabi nung isang babae "Bitter lang yang si Kaye kaya si Paul naman yung nilalandi"

"Tunay ga yung naririnig ko? Ako pinag uusapan nila?!? " Nagpanting agad si Kaye.

"Ano sinasabi nila?" sabi ko.

K: "Si Aldrin kasi"

"Ano meron kay Aldrin?"

K: "Nakita ko kasi na kasama yung babae na inaway natin sa library na ex ni Aldrin"

"HA?!?! BAKIT KA PUMAYAG?!?! HALA, NASAN YANG MAGALING MONG SYOTA!!"

Pinigilan ako ni Kaye tumayo. "Oh ayan ka na naman, mamaya eh mapahamak ka na naman!"

"Eh bakit ka kasi pumapayag na ginaganan ka lang?!"

K: "Nakausap ko na naman si Aldrin eh, sabi nya kasi nakikipag balikan daw sa kanya. Lagi daw syang kinukulit. Tapos pinagkakalat ng babaeng yun na bitter daw ako, kasi sila na daw ulit ni Aldrin"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now