Chapter 79: Follow your heart

17.8K 206 60
                                    

Nakaupo ako sa may bench sa may corridor ng College.

Napapabuntong hininga lang ako.

Ano ga kasi ang nangyayare, bakit hindi maayos ang lahat.

Pinipilit kong baguhin at mag-umpisa ulit, di ko magawa kasi may mga gumugulo sa isip ko.

Physically, malaki na iniba ko.

Malamang gawa nila Len.

Pero ayos na din ito.

Yun nga lang, parang napa-over yata naman ang make-over sakin.

Agaw pansin yata.

Pero sabi nila, mas nagmukhang bata at fresh daw ako.

Chos lang!

Kung alam lang nila parang wala pa ding pagbabago sa nararamdaman ko.

Pero gusto kong labanan ito.

Nagbago na rin naman ako physically,

Bakit hindi ko baguhin yung kaya kong baguhin?

Maging matapang at harapin ang lahat?

Sige di ako susuko.

Ayoko ng masaktan at tapakan pa ng ibang tao.

Okay Okay!

I will fight for it.

Tatayo na sana ako.

Nang lumapit si Mindi.

Yan na naman sya >.<

Kailangan lagi ka talaga andyan?

Panira naman to ng mood eh.

Ayan na naman sya with her judgemental eyes >.<

Lalagpasan ko na sana, kaya lang as usual hinarangan ako.

"Ano na naman? Wala ka na talaga maggawa kundi ang asarin ako no?"

Hinawakan nya ako tapos hinila nya ako papunta sa may open ground kung saan, hindi ganun karami ang tao.

Para dun siguro mag-usap.

Nakapa-may-awang sya tapos umikot sakin.

"Ano namang problema mo na naman?"

M: "Maganda ka naman pala talaga kapag naayusan eh. Nagmukha kang tao."

Tinawanan ko sya "Talaga? Hiya naman ako sayo, ikaw nga dyan, mukhang tao pero asal HAYOP."

Tipong pagbubuhatan nya ako ng kamay pero kinontra ko na.

Sabi ko nga ayoko na ng pinagtatapakan lang ako.

Pinangunahan ko na sya at sinampal.

"Para yan sayo! Sana matuto ka naman maging asal TAO!" sabay alis sa harapan nya.

Parang nabunutan ako ng tinik nun ah.

Napangiti ako sa pagtalikod ko.

Yan kasi, pahara-hara ka sa daan ko Mindi.

Naibuhos ko tuloy sayo ang tensyon na nararamdaman ko.

Di na talaga ako papa-apekto, at papa-tapak sa Mindin na yan!

Neveeerrrr!

Sobra na sya eh, kaya tama lang na mapahiya naman sya paminsan-minsan.

Papauwi na ako,

Nang maisipan ko sanang bumili ng makakain sa may Mini Stop.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora