Chapter 54: Drawing.

18.6K 154 11
                                    

Ang bilis ng panahon.

Eto at monthsary na naman namin.

It's our 6th monthsary :)

Buti saktong Linggo, makakapag-date kami ni Paul.

Hating gabi pa lang ay tinext ko na sya.

Sabi nya pupuntahan nya daw ako sa bahay.

Nagluto ako ng maraming marami sa bahay.

At for sure gutom na gutom si Paul kasi galing sya sa isang overnight group project.

Wala pa syang kain at tulog.

Kaya eto na lang ang gift ko sa kanya.

Okay lang kahit walang material things na maibigay ang importante ay ang memories.

Excited na ako at maya pa ay nandyan na sya.

Nagulat nga din si Lola at ang dami ko daw hinanda.

"Bakit ang dami naman ata nyan?"

"Eh Lola, monthsary po kasi namin ni Paul"

"Ano kamo?"

"Basta po Lola, parang anibersaryo din yun, yun nga lang kada ika-syete ng buwan po yung monthsary, bago po yun mag anibersaryo"

"Ah ganon ga, jusko kayong mga kabataan kung ano anong mga naiisip nyo. Dyan ka muna ha at mag-eehersisyo lang kami ni Luz sa labas."

"Sige po Lola, ingat po kayo"

Nagmamadali ako kasi malapit na syang dumating.

________

Pagdating ni Paul.

Niyakap ko kaagad sya at binati ng HAPPY MONTHSARY :)

Mukhang haggard na haggard sya, pero syempre gwapo pa din :)

"Oh Paul, ayos ka lang?"

"Oo medyo pagod lang"

"Ah ganun ga, bakit parang amoy alak ka?"

"Ah wala to, nagkaalukan lang kagabi, pero di naman naparami inom ko."

"Ah ganun ga, sya kain ka na"

"Sige, matikman nga ang luto ng fate ko"

Umupo sya sa may table at kumain na kami.

Habang kami ay kumakain.

Inabot nya sa akin ang isang gift.

Na-touch naman ako kasi lagi na lang syang may regalo sakin tuwing monthsary namin.

"Ano naman to?" tapos ngumiti ako.

"Buksan mo na lang"

Nang binuksan ko.

Isang mug na may nakalagay na PAUL LOVE JAM.

Napangiti ako lalo.

"Gusto ko kasi kapag umiinom ka ng paborito mong hot choco ay maalala mo muna kung gano ka kamahal ng Paul na to" sabi nya sakin with confidence pa ha.

Natawa naman ako, at binigyan sya ng isang flying kiss.

"Yan naman gift ko sayo, pasensya ka na ha."

"Sarap nga eh, pero mas masarap kung lapat yung kiss" tapos tinataas-taas nya yung mga kilay nya na sign ng pagka-kengkoy nya.

"Pilyo mo talaga destiny! Di pwede no! Saka na lang"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now