Chapter 7: Interrogation

38.3K 362 32
                                    

My Gooooooddd! Saturday na.

10 am pa lang pero gising na ako at nag-iisip kung ano ang gagawin namin mamaya.

Anu naman kaya ang masaya sa paggala o pagkain lang sa Mall?

Eh ni hindi pa nga confirmed yung nararamdaman ko sa kanya.

Meron nga ga? O__O Wala... wala pa naman.. hmm.

Nagda-doubt pa rin kasi ako minsan kapag naiisip ko.

Baka kasi maya-maya hindi naman pala to seryoso.

Nag-aassume lang ako. Hindi pa naman ako sanay kumilatis ng lalake.

Anywaysss.. Hindi naman kailangan madaliin kasi masyado pang maaga :D

Chill Jam! Chill!

__

Bumaba ako ng hagdan, at nakita ko yung lola ko.

L: "Jam kain na, lalamig yung pagkain"

"Opo lola, saglit lang po"

Pumunta akong CR at naghilamos and nag toothbrush.

Pagbalik ko sa kusina.

Nakita ko si Kaye, Kumakain na.

Aba at hindi na nga ako inintay, di pa nagsabi na di-ne pala kakain.

Aba matindeee!

Ibang klase talaga!

K: "Oh Jam! Wag ka ng mahiya! kain ka dito." habang puno ang bibig.

"Nakahiya naman sayo! Wag na lang! Kakahiya naman, bahay nyo eh, tas lola mo yung nagluto at para sayo talaga ang niluto." =)))

K: "Sus. wag ka na mahiya, ikaw naman, parang di tayo magkaibigan." 

Minsan talaga hindi ko maintindihan kung nasa tamang pagiisip tong si Kaye =)))

K: "Lola Cho. Kain na po kayo!"

"Pinababata mo si Lola ah...talagang Cho ha!"

L: "Oo nga naman iha, bagets naman masyado yan, Pwede gang Tita Cho na lang" pagbibiro ni Lola habang nananahi.

Nagtawanan na lang kaming tatlo.

Nang sa di inaasahan..

Dumating yung Kuya ko, yung panganay samin na may pamilya na kasama yung pamangkin ko, si Mon.

"Kuya!!!" Habang tumatakbo, pero si Mon yung hinagip ko ka-agad.

Kuya: "Oh Jam! Hi Lola Choleng! Hi Kaye!" bati ni Kuya Ched.

K: "Hello kuya! Long time no see ah!"

"Apoooo!" sigaw ni lola habang papalapit kay Kuya.

Kuya: "Naks! ang bango mo la ha! Nagdadalaga lang?"

Pinalo ni Lola si Kuya. =))

"Pilyo ka pa rin! Paano tong si Kaye, binigyan ako ng pamango nung kaarawan ko. Alangan namang tanggihan ko, sayang din naman"

"Asus! kayo talaga lola! Ayaw mo nun baka mamaya, magkaasawa ka ulit!" pagbibiro ni Kaye.

L: "Ikaw talagang bata ka! Nako nako!" 

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now