Chapter 42: Open Forum.

22K 168 0
                                    

Nandito kami sa labas ni Paul at nagstar gazing.

Malungkot pa rin kasi sya.

Hinayaan muna kami nina Kaye na mapag-isa dito.

P: "Nung bata pa lang ako, lagi na lang akong naiiwan sa bahay. Iniisip ko nga na sana, hindi na lang kami naging mayaman. Wala na silang inatupag kundi business lang nila... Pero ako, konti lang time nila sa akin. Pinangako ko sa sarili ko noon pa man na kapag magkakaroon ako ng asawa at anak, di ko sila iiwan at laging bibigyan ng oras, ayokong maranasan nila ang pakiramdam ng nag-iisa. Na nasasa-iyo na nga ang lahat pero ang kay tagal mo nang inaatim na kumpletong pamilya, di mo pa din makamit. At ngayong nakamit mo na, aalis na naman sila ulit dahil sa may sakit si Mama. Yung pakiramdam na ayos na ang lahat, na pwede na mag-for good sina Mama dito, pero dahil sa sakit nya hindi pwede. Pero naiintindihan ko naman dahil para rin kay Mama yun. Di mo ba alam na hindi pa kami nagakakasama tuwing pasko? Kahit isang beses, hindi pa.  Kung nangyare man yun, baka wala pa kong kamuwan-muwang non. Nangarap ako na sana mangyari ulit." tapos tumingin sya sakin at ngumiti na halatang napipilitan lamang.

 "Pero, diga super close ka sa Mama mo? Halos bansagan ka na ngang Mama's boy. E paano nangyare yun kung lagi naman pala sya malayo. Tapos telepono lang kayo naguusap?"

P: "Weird right? Di ko lam, siguro dahil nararamdaman ko na di nya ako pinababayaan kahit malayo ako. Pinangangaralan nya ako kapag may ginagawa akong kalokohan, pero syempre di maiiwasang magtampo. Basta, mahirap ipaliwanag. Close na close kami kahit madalang kami magkita. Weird."

"Sabagay... sabi nga nila, kapag close ka sa kapatid mong babae or sa nanay mo. There's a less possibility of hurting a girl."

P: "Ayoko din namang manakit ng babae, pero I admit it....kapag wala ng oras sakin, nagloloko ako talaga. Ayoko mag-isa. Gusto ko sa taong nandyan parati lalo kapag nalulungkot ako. Never nga ako nagcelebrate ng birthday ko eh...."

 Nagulat ako sa sinabi nya... "Oh? Bakit naman?"

P: "Wala lang, tuwing magbi-birthday kasi ako, mag-isa lang sa bahay. Kaya nangyayare nyan, makikipag-inuman na lang ako"

January 4 yung birthday nya.

"Malapit na rin birthday mo ah."

P: "Oo nga e. Pero mas malapit yung sayo. August 1"

 "Medyoooo. Anyways, yung ibang events like yung Retreat, Graduation, Birthday nila Mama at Papa mo, asan sila?"

 P: "Wala, tatawag lang sa bahay. Di naman uso samin ang skype. Nagpapahanda. Mga barkada ko lang napunta. Ayun. Malungkot pa din. Barkada ko lang talaga nag-papasaya sakin. Barik lang kami ng barik. Yung sa retreat naman namin, di naman ako uma-ttend... Baka mapaiyak lang ako dun, nakakahiya" sabay ngiti nya.

"Dapat umattend ka non, para mailabas mo kung ano mang nararamdaman mo, masama yang may kinkimkim. Feeling ko nga sasabog ako kapag ganun eh."

 Hinawakan nya yung paa ko at minamasahe.

P: "Di ako sanay sa ganon, sa alak lang okay na ako. Nahihiya nga ako kanina kasi napa-iyak ako. Para akong hindi lalaki, eh nandoon pa naman sina Nicko. Di ko kasi alam kung bakit ako lumuha nang ganon kanina. Sanay na naman ako na wala sila eh. Yung basta na lang umaalis. Siguro dahil naging masaya yung pagsasama namin for the first time na umuwi sila."

Ngumiti ako sa kanya "At wag kang mag-alala. Pagbalik nila mauulit ang lahat"

P: "Sana nga"

 "Oo yan... Ano okay ka na?"

 P: "Hindi e...Amoy pusit kasi yung paa mo" sabay inamoy ang kamay nya at tumawa.

"Hoyyy! Ang yabang mo! Mabango yan no!" sabay nilagay ko pa sa mukha nya yung paa ko. HAHAHAA.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now