Chapter 66 : Kulit >.<

19K 215 46
                                    

Nung pagkatingala ko at kukunin ang panyo,

Nakita ko ang maaliwalas nyang mukha na nakangiti sakin at inaabot ang panyo.

Umupo sya sa tabi ko at naka-tingin sakin.

"Umiiyak ka na naman?" tanong nya.

Habang pinupunasan ko ang luha ko ay sumagot ako at ngumiti sa kanya.

"Wala lang."

"Kilala mo na?"

"Ang alin?"

"Yung ano.. basta alam mo na yun"

"Yung babae ni Paul?"

Di sya nakapagsalita.

"Bestfriend ko. Tama ga?"

"Paano mo nalaman?"

"Pinakita sakin nila Len yung picture na magkasama sila, pero ayokong mang-husga kaya gusto ko muna silang maka-usap."

"Bakit kailangan mo pang kausapin sila kung napatuyan na naman nina Len na sya nga talaga."

"Gusto kong makapanigurado baka namis-interpret lang nila."

"Ganyan ka ga ka manhid?"

Napatungo na lang ako at nilalaro ang tubig sa pond.

"Bestfriend ko sya, at hindi nya gagawin sakin yun"

"Kahit pa, minsan kung sino pa ang pinaka-malapit sayo, sya pa ang gumagago sayo"

Napa-tingin ako sa kanya.

Oo nga pala,

Niloko din sya ni Trisha.

Parehas din kami ng sitwasyon.

"Paano ka nakaka-ngiti, Kung alam mong may mahal na iba ang girlfriend mo? Ha, JOHN?"

Tumingin sya sa malayo. "Hindi lang sya iba, kung hindi bestfriend ko pa sa tropa. At hindi ko na sya girlfriend. Ex ko na sya"

"Parehas pala tayo ng problema"

Ngumiti ulit sya "Dapat kasi ang problema hindi yan pino-problema. Kaya ako, binabalewala ko lang"

"Paano mo nakakaya na magkasama-sama kayo?"

John : "Wala, di ko na lang pinapansin. Kung saan naman masaya si Trish okay lang sakin eh. Ang di ko lang matanggap ay yung gaguhin ako ni Chris, pero dahil mas iniintindi ko ang pagkakaibigan, pinipilit kong tanggapin. May pinagsamahan din naman kami ni Chris, at ayokong masira ang tropa ng dahil lang sa babae"

Napaka-positive thinker nya, at hindi nya iniisip ang sarili nya.

"Bilib din ako sayo, talagang iniisip mo ang kaligayahan ng iba kesa sa kaligayahan mo.Samantalang ako, hayyy"

Hinawakan nya ang kamay ko at  hinila ako.

"Magda-drama ka na naman dyan, maya-maya umiyak ka na naman, baka sabihin nila ako nagpa-iyak sayo. Tara nga at mag-eenjoy naman tayo."

Habang hila-hila nya ako eh nagtatanong ako sa kanya.

"San naman tayo pupunta?"

"Saan pa? Eh di magtatanggal ng lungkot?"

"Saan nga eh!"

"Sumama ka na lang!!"

Sumakay kami sa sasakyan nya.

 Habang kami ay nasa daan ay nag-sounds sya.

COUNT ON ME by BRUNO MARS. (Video on the right side)

Book 1: Second Chance (Tagalog)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ