Chapter 30: War Freak.

26.1K 215 19
                                    

Pagkaahon namin sa pool.

Dumaretso na kami sa loob baka kasi lamigin kami.

Humingi sya ng towel at bathrobe sa mga kasambahay..

Si Tita Victoria, Tito Tony at yung Papa lang ng Mindi ang nakakita samin.

TV: "Oh bakit basang basa kayo?"

P: "Nahulog po kasi si Jam sa pool, eh di po marunong maglangoy kaya sinagip ko, nadulas po kasi sya" sabay kindat sa akin.

Sinungaling tong si Paul, pero buti na lang at di nya sinabi ang totoo, kasi nakakahiya! Alangan namang sabihin nyang NAGLANDIAN PO KAMI SA POOL. Sisikmuraan ko talaga to kapag sinabi nya.

TV: "Nako iha, mag-iingat ka sa susunod ha"

P: "Oo nga.. kahit kelan talaga Jam.. tsk tsk."

Loko talaga to.

"Opo, pasensya na po"

TV: "Ayos lang yun, Paul may gamit ka naman sa kwarto mo pumunta ka na dun at maligo ka na. Alas nuebe na kakain na tayo ng dinner. At ikaw iha, ipahahatid kita kay Paul dun sa guest room. Nandoon ata si Mindi. May mga gamit na pambabae din doon kaya wala kang dapat ipag-alala" sabay ngiti.

"Okay po tita. salamat po!"

Hinatid na nga ako ni Paul sa may guest room.

Pero bago nya ako iwan, niyakap muna nya ako.

P: "I'll see you later sa dinner.." and gave me a kiss on my forehead.

"See you! Papasok na ako ha, ang lamig na kasi eh. Ikaw din, baka magkasakit ka nyan"

P: "Pumasok ka muna bago ako umalis, baka kasi may mangyare sayong masama eh"

"OA? Eh eto na nga yung pinto oh."

Bumulong sya sakin "Andyan kaya si Mindi" tapos pigil yung tawa nya.

Hinampas ko sya "Baliw ka, Loko loko to. Sige na.. Pumunta ka na sa kwarto mo."

Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Mindi.

Nakatayo sa likod ko.

Grabeeee ang lamig >.< Buhay pala yung aircon. Basang basa pa naman ako!

Tapos hinarang pa ako ng impaktitang ito.

M: "Where do you think you're going?"

"Sa banyo, magpapalit ako, malamang.. Basa ako right? Hindi mo nakikita? Alangan namang dito ako sa kwarto  manligo? Syempre sa banyo diga?" sabay irap sa kanya at dumaan sa tagiliran.

Sheeeetttt ang lamig tologoooo.

M: "Pilosopo ka na, bastos ka pa!"

"Bago mo ko kausapin.. pa-patayin mo muna yang aircon.. ANG LAMEEEEEGGGG!"

Tumawa sya ng malakas. "Pwes! Mamatay ka sa lamig habang kausap kita!"

"Padaanin mo na ako at kailangan ko ng ma-manligo!" medyo tinulak ko sya, kasi nga nilalamig na talaga ako.

M: "Aba! bastos ka talagang babae ka ah, di mo ko kilala ha?! Artista ako, sikat ako sa buong Pilipinas at sino ka para itulak ako ha?!" Habang hila hila nya yung buhok ko.

"Aray! Nasasaktan ako! E ano naman ang pakealam ko kung artista ka?! Anong gusto mo, magpa-autograph pa ako sayo? Pa-fansign? Pa-selfie?!"

M: "Walangya ka talaga! Napaka-bastos mo!!! Dapat lang yan sayo na sinasabunutan ka! Napaka-landi mo!"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now