Chapter 31: My Visitors

25.3K 216 29
                                    

"You need to extend po dito sa ospital for 2 more days, kailangan po namin na magsagawa ng tests kasi sabi nyo po hirap kayong huminga.." sabi ng doktor.

Sumakit kasi dibdib ko kanina, di na naman ako makahinga.

TV: "Thank you Doc"

Ano ga yaann. Akala ko naman makakalabas na ako. -__-

Buti na lang nandito lagi si Paul.

Si Kaye naman after class sya bibisita dito. Hindi kasi pwedeng um-absent na ng um-absent.

Si Lola at si Aling Luz, pinauwe ko na kasi mas makapagpapahinga sya ng maayos sa bahay.

Si Tito Tony, umalis muna kasi may inaayos sa business sila.

Eh nandito naman si Paul kaya walang problema.

Sina Ate tumawag sa akin.

Pupunta na sila mamaya.

Si Len at Anne naman dadalaw daw after class, either today or tomorrow. Dapat kasi sa bahay na nila ko bibisitahin, kaso yun nga na-extend ako.

Pinasabi ko na lang sa ibang prof namin ang sitwasyon ko.

Lagi nga daw nababanggit ni Mr. Magwayen ang pangalan ko, lalo kapag may sinasaway na estudyante. Napapagkamalan na ako. Aba si Sir talaga! Wala ng ibang nakitang pasaway kung hindi ako, absent na nga yung tao e. :D

Natawa naman ako kasi nami-miss ko din naman ang sermon nya. HAHAHA. Sanay na kasi akong parating may sermon galing sa prof naming yon.

About naman sa media thingy.... Nagbigay na ako ng statement na hindi naman si Mindi ang gumawa sakin. Para naman matahimik na ang buhay ko no -__-

Nagalit pa nga sakin si Kaye at si Paul, kasi dapat naman managot si Mindi sa ginawa sakin..

Pero sabi ko naman, lahat naman ng tao nagkakamali...baka magbago pa yung tao. Career at buhay nya rin ang naka-salba don. Di naman masama ang budhi ko para sirain ang buhay nya..

Naawa din naman ako sa kanya kasi reputasyon nya ang naka-taya.

P: "Punta lang ako sa CR ha"

"Talagang mag-CCR lang nagpapaalam pa?" 

P: "Syempre.. Pano kung mamiss mo ako kaagad?"

"Cheee! Feeler ka talaga. Sige na mag CR ka na."

Kumain ako ng prutas.

"Tita, Gusto nyo po ng prutas?"

TV: "Sige iha, busog ako. Salamat"

"Sige po, pero kung nagugutom po kayo, sabihan nyo lang po ako at iaabot ko po sa inyo"

"TV: Nako wag mo na ako alalahanin iha, ayos lang ako."

"Sure po kayo?"

TV: "Oo naman.. Alam mo anak, ikaw lang ang pinag-silbihan ni Paul ng ganyan, ang dami na nyang napakilala sa amin, pero iba ka sa kanila.. I know it sounds common, pero totoo pala talaga yung pansin mo kapag totoong nagmamahal ang anak mo.."

Kinilig naman ako :">

"Bakit naman po?"

TV: "Di ko alam pero iba yung na-gagawa mo para sa kanya, ngayon ko lang sya nakitang ganyan magalit at mag-alala ng dahil sayo. Masaya ako at ikaw ang napili nya. Gustong gusto kita at yung Papa nya."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now