Chapter 6: Getting to know each other

36.4K 383 43
                                    

Nagdaan ang mga araw..

Dahil hindi naman ako ganoong ka-busy.

Lagi ko ng nakaka-usap si Paul.

Yep, kausap, hindi na text -__-

Wala kasi akong load..

At hindi ako magloload ng dahil lang sa kanya..

Getting to know each other ang drama namin.

Sabagay, mas okay na nga tong inaalam ko muna ang tungkol sa lalaking to.

Isang beses pa lang kami nagkikita sa personal.

So malamang itsura lang ang alam ko sa kanya.

Samantalang ako, halos yata lahat sakin alam na nya.

Paano itong si Kaye..

Sya na mismo nagkukwento >.<

Tsss..

Anyways, yun nga...

Sabi nya, only child lang daw sya.

Yung parents nya nasa States lagi dahil sa business.

Pero may naiwan silang business dito.

Ang Salvino Hotel and Restaurant sa may Taal.

Tapos may almost 50 branches pa sila sa nationwide.

Talagang totoo ang sinasabi namin ni Kaye na mukhang mayaman ang lalaking ito.

Hindi naman nga nakakapagtaka...

Kutis pa lang, akala mo alagang Belo!

Ako naman... kahit na alam ko na alam na nya.. Nag-share na rin ako..

Sabi ko..

Tatlo kaming magkakapatid,

Bunso ako.

Yung ate at kuya ko, parehas ng may pamilya.

Kaya ako na lang ang naiwan sa Lola ko.

Yung parents ko naman,

Nasa ibang bansa din peo OFW sila dun.

Madalang sila tumawag sakin kasi dahil din sa oras.

Tska busy din sila.

Na-open din nya yung topic about sa lovelife.

Well wala namang bago dyan.

Dahil ang mga nakikipag-textmate.. callmate... chatmate.. playmate at kung ano ano pang mate..

Hindi nawawala ang usapang ganyan, lalo kapag yung isa o parehas may interes. >.<

P: “Nagka-boyfriend ka na?”

“No. Ikaw? Oh well, kahit hindi ko naman tanungin, alam ko na nagkaroon na.”

P: “Oo nagkaroon na, pero walang seryoso.”

“As usual, yung mga lalaking kagaya mo naman, halatang hindi magseseryoso"

P: "Napaka-judgemental nito. Hindi kaya! Sabihin na lang natin na, ayoko pa mag-tie sa isang relationship.. I mean yung may commitment talaga."

"At talagang sakin mo pa yan sinabi ano?"

P: "Hi..Hindi..."

Binara ko na agad.

"Ano sasabihin mo.. Na 'hindi, you're different, iba ka sa mga nakilala ko' pwede ga. Laspag na yang linyang yan e."

P: "Ang hilig mo talagang mang-basag ng banat ano?"

"Oh pleaseeee. Wala akong oras sa mga bolahan Paul."

P: "Mag-eeffort pa ga akong tumawag at magtext sayo araw araw at maya-maya kung binobola at niloloko lang kita?"

Hmmn.

Napaisip ako.

May point tong mokong na to..

"Malay ko ga kung wala ka lang talaga magawa.. O wala kang ibang mapagtripan."

P: "I'll prove it sa first date natin."

"Oh pleaseeee.. Ayoko na rin gamitin yung term na 1st date chuchu.. Friendly date lang naman yon."

P: "Ganon na rin naman yun."

"Aba, humihirit pa?!"

P: "Hindi po boss."

"Good."

P: "JAAAAMMMMMMMM"

"Ano? Hyper ka na naman today!" 

P: "Ilang Newtons ga ang vector force mo?"

"Kasi ang lakas ng hatak ko sayo?"

Natahimik sya saglit..

P: "Basag."

Sabay tawa na naman ako :D

"Pakitigilan na kasi yung mga banat mo.. Nakakaumay na.. Ilang araw ka ng bumanat ng bumanat. Wala namang pumasa sa standards ko.."

P: "Nahiya naman sayo yung mga gumawa at nakaisip non."

"Talaga lang!"

P: "Ang sungit mo no? Bakit parang ang init ng ulo mo sakin parati?"

"Hindi totoo yan ah!"

P: "Pabasa ko sayo lahat ng text mo, kung hindi mo ko babarahin, babasagin mo naman yung mga trip ko. Yung totoo, may atraso ko sayo?"

"Sinungaling! Di totoo yan!" natatawa ko pang sinasabi.

 P: "Di nagsisinungaling ang ebidensya!"

"HAHAHAHA. Shabu pa."

Madalas ganyan lang kami mag-usap.

Kahit binabara ko sya.

Kahit sinusungitan ko, kalma lang sya.

Kahit pinagtatawanan ko na.. makikitawa lang din sya.

HAHAHAHA.

Siguro sa mga nagdaang araw na halos matmaya ko katext o katawagan si Paul, kapag wala akong ginagawa.

Dun ko narealize na hindi naman pala sya kagaya ng iniisip ko.

May tama din tong lalaking to e. Yung trip ko sinasakyan nya parati, kahit yung trip nya, kinokontra ko parati :D

Medyo kumportable na rin ako na kausap sya.

Kahit ilang araw pa lang.

Siguro tama tong bestfriend ko, na judgemental lang ako, at talagang totoo naman na mabait tong si Paul. :D

I'm starting to like this guy..

Yung gusto na.. kaibigan muna syempre!

Parang wala nga rin kaming ubos kapag naguusap.

Lagi na lang may topic.

Lagi na lang syang may tanong.

Yung kahit boring na yung usapan.

Nagagawan nya pa ng paraan para mawala yung boredom.

But I'm not falling for him agad agad..

Pero aminado ako.. hindi sya mahirap magustuhan. :)

Book 1: Second Chance (Tagalog)Onde histórias criam vida. Descubra agora