Chapter 71: Sino talaga?

18.7K 237 76
                                    

"Mag-usap tayo Jam."

"Para san pa?"

"Jam, ayusin natin to."

"Tama na please! Sobra na! Ayoko na."

"Mahal mo pa naman ako eh"

"Tutulog na ako, Goodnight, at sana lang tumigil ka na."

Binaba ko na ang cellphone ko.

Andito na naman ako sa bintana ko.

Tumawag si Paul.

Kinukulit nya ako.

Simula nung debut ko 3 weeks ago.

Di na sya tumigil.

Bakit kung kelan nagiging okay na ang lahat saka pa sya lumalapit ulit  :(

Di ko alam kung bakit ganyan sya.

Ano yun, paasahin na naman nya ako? :'(

Umub-ob ako at umiyak.

Ano gusto nyang palabasin?

Ano na nangyare sa kanila ni Kaye?

At ano din naman itong naiisip ni Trish?

Bakit ganito mga tao ngayon?

Gulong gulo na ako.

*Ring *Ring

Si John tumatawag.

Tunay kaya yung sinabi ni Trish?

Hay.

John: "Okay ka lang?"

"Oo naman, bakit naman hindi?"

John: "Sumilip ka sa bintana mo."

Sumilip ako, tapos nakita ko sya, nakatayo doon.

Nag-wave sya sakin.

J: "Tahan ka na"

Nakikita ko yung ngiti nya, malayo pa lang.

Pinunasan ko yung luha ko tapos bumaba.

Dahan dahan akong bumaba kasi nga tulugan na.

Pinapasok ko si John at anduon kami sa may duyan.

J: "Umiiyak ka na naman eh."

Sabay pisil sa pisngi ko.

"Di naman eh"

J: "Sus, kita kaya kita"

Iniwas ko yung mata ko sa kanya.

J: "Mugto kaya yung mata mo."

"Nga pala, bakit andito ka?"

J: "Paano sa lakas ng iyak mo, umabot sa bahay namin."

"Sira! Bakit nga?"

J: "Napadaan lang ako talaga dito, nang makita kong asa binta na ka, kaya tumigil na ako sa harapan nyo. Di mo naman ako nakikita"

"So kanina ka pa dyan?"

J: "Medyo"

"Gaggy! Bakit di mo sinasabi?"

J: "Paano ko sasabihin? Eh di ko ma-contact yung phone mo, may kausap ka kanina bago ka umiyak. And I guess I know kung sino sya."

"Ah wala yun."

J: "Ginugulo ka na naman nya?"

"Sino?"

J: "Pwede ba! Wag ka ngang mag-maang-maangan dyan."

"Hmnn"

J: "Tingnan mo tong babae na to, sabi eh wala daw maglilihim. Pambihira."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon