Chapter 81: Anong meron ka?

19.4K 247 35
                                    

*JOHN*

"Len, sige na tulungan nyo ako kay Jam."

Habang sumisigaw at nakangiti sila.

Ako naman probleamadong problemado.

Di ko alam kung anong sapi ang meron itong sina Len ngayon.

"Uy, tulungan nyo naman ako.."

L: "Yiieee! Kinikilig kami!"

A: "Grabe, ikaw pala yung stalker ni Jam. Bakit di mo agad sinabi? Dapat sinabi mo kahit samin lang para at least natulungan ka namin."

"Ha?"

L: "Kaming bahala sayo, tutulungan ka naman. Ayos ka talaga! Fistbump naman dyan. Boto kami sayo!"

Naguluhan lang ako sa usapan namin.

Hindi ko alam kung kakalma ako o hindi.

"Ano na gagawin natin?"

L: "Sa ngayon, wala muna. Kilala namin yung si Jam. Hayaan mo muna sya. Sobra pa yung nasasaktan. Pero sa totoo lang. Mababaw at nasaktan si Jam dahil lang sa na-discover nya na ikaw yung stalker nya. Pero kailangan natin syang intindihin, dahil halos lahat, kahit nga bestfriend nya niloko sya eh. Syempre para sa kanya, niloko mo din sya. Di ka kasi agad nagpakilala ng straight eh, alam ko naman na matatanggap nya yun."

"Hindi mo kasi naiintindihan, wala pa akong lakas ng loob para ipagtapat noon, at hindi ako sigurado kung sya nga yun nung una. Basta, mahirap ipaliwanag eh, mahabang storya. Sa ngayon sige wala muna. Pero tulungan nyo ako gumawa ng paraan para naman hindi sya magalit."

A: "Walang problema dyan, tama ka ng nilapitan."

L: "Pero may mga itatanong kami, kaillangan straight to the point ah. Ayaw na namin masaktan pa si Jam, kaya kailangan tunay lahat ang isasagot mo. Una, gusto mo pa gang ligawan si Jam ulit, kahit alam mong hindi pa nawawala ang nararamdaman nya kay Paul?"

"Oo, kahit noon pa man, nung una ko pa syang nakita. Minahal ko na sya. Wala nga lang akong magawa dahil tropa ko si Paul, at bilang lalaki, kailangan patas ang laban. Ngayon na may chance ako, di ko na papalampasin pa."

Napangiti na naman sila.

L: "Yan ang gusto ko sayo John eh, lalaki kang kausap. At mahal mo talaga si Jam alam ko.. Hindi gaya ng Paul na yun, nako nako nung una lang okay."

A: "Ako naman ang may tanong, Paano kung piliin ni Jam si Paul pa din? Dahil patas lang naman kayo eh, parehas nyo naloko si Jam.. Ano gagawin mo?"

"Hindi ko masasabing patas kami, dahil ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. Kung piliin nya si Paul, magpaparaya ako, dun sya sasaya eh. Basta ako, gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako. Simpleng patawad lang masaya na ako dun. Kahit hanggang kaibigan lang, natanggap naman ako ng pagkatalo."

L: "Waahhh! Nakakainis ka talaga John! Bakit parang ang perpekto mo? Kailan pa kaya magiging ganyan si Sam ko, kainis naman."

A: "Oo nga eh, grabe ang sagot nya, parang perpekto nga talaga. Ano pa hahanapin ni Jam sayo? Lahat nasayo na eh."

Napakamot naman ako sa ulo.

"Ganon? Sya salamat na din. Basta tutulungan nyo ako ah."

A: "Oo naman, ikaw pa, Simula ngayon, pasado ka na samin."

Ganito pala talaga kausap ang mga ito.

Sa ngayon, wala muna akong gagawin.

Pinlano ko munang umuwi sa bahay para magpahinga.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now