Chapter 38: Bakasyon.

23K 196 5
                                    

K: “Ano bes? Bakit di nyo tinanggap!?! Para yun lang e. Hindi naman yun makakabawas sa pagkababae at pagkalalaki nyo e"

“Ala. Basta. Hirap na nga ako sa school dahil sa issue tapos dadagdagan mo pa.”

K: “Sayang rin yun. Tsaka ano ga pinag-aalala mo? Na baka mas marami ang umoffer senyo? Taraaaay!”

“Ayos lang yon, tsaka di ko naman talaga feel ang maging model chorva.. Jusko.. Oi di ha.”

K: “Pero yung boyfriend mo pang-model! Sinasayang mo ang features nya.”

“Sya rin naman yung umaayaw e"

K: “Nako kung ako may offer na ganon, tatanggapin ko naman eh”

“E ang problema, samin may offer, wala sayo"

K: "Ang hardddd!!!"

Usapan namin ni Kaye sa phone kanina.

Nabanggit ko kasi sa kanya na may offer samin maging model ng products nga.

Hindi naman big deal yun. Kasi hindi naman pang-malakihan yun. 

Anywaysss... Eto...

On the way kami ni Paul sa bahay nila, para dalawin ang parents nya.

Pagkadating namin don.

Ang daming handang pagkain.

Parang bibitayin naman ako neto sa dami ng pagkain O___O

Nag-beso sakin si Tita V at Tito T.

“Hi Tita and Tito.. Grabe ang dami naman pong handa”

TT: "Pa-despedida na din namin ito ineng. After ng Baguio vacation natin eh may flight kami pabalik sa States. Tumawag yung doctor nya at dun namin siya ipapagamot" 

Lumingon ako kay Paul at binigyan lang ako ng tipid na ngiti ni Paul. Alam ko malulungkot na naman sya.

Yinakap ko si Tita.

TV: "Mamimiss kita hija kahit sa ilang araw lamang tayong nagkasama... natutuwa ako at ikaw ang nakilala ng anak ko.. sana ikaw na ang para sa anak ko. Alagaan mo sana ang unico hijo ko."

P: "Tama na yang drama, babalik pa naman kayo diga Mama? Kain na tayo, gutom na ako eh" pamasag drama oh.

Umupo na kami sa palibot ng table.

Siniko ko si Paul at binulungan sya "ikaw ha, panira ka ng drama"

P: "Eh magagawa ko, gutom na talaga ako eh" patawa-tawa nya pang sinabi.

Asus! Ayaw mo lang mapa-iyak e!

Alam kong ayaw na nyang umalis ang magulang nya, pero yun ang kailangan para gumaling si Tita.

Ang hirap kaya non, malalayo ka na naman sa magulang mo, tapos hindi mo pa alam kung magiging okay sya o hindi.

Naiintindihan ko naman kung magda-drama chorva din tong si Paul.. Kaso pinipigilan ng mokong.

Hindi naman nakakabawas ng pagkalalake ang pag-iyak.

____

Christmas Party na bukas.

Eto ako nasa mall ako para bumili ng gift.

Syempre kasama ko si Paul.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now