Chapter 82: Beautiful Day.

19.9K 285 60
                                    

Dahil wala akong magawa..

At mamaya pa ang lakad namin nila Lola...

Yung lahat lahat na gamit na binigay ni Paul ay tinapon ko na.

Lahat lahat talaga.

Yung mga bears naman ay dinonate ko na lang sa mga bata.

Gusto ko na syang alisin ng tuluyan sa puso at isip ko...

Nasaktan nya ako ng sobra at nasira din ang pagkakaibigan namin ng dahil sa kanya.

Pero kung makikipagkaibigan naman sya,

Hindi ko naman tatanggihan, yun nga lang alam ko sa sarili ko na hindi na magiging kami pa.

Dahil siguro nagsawa na akong magtiwala sa kanya...

Habang nag-kakalkal ako ng gamit.

Nakita ko yung drawing ni John.

Napangiti naman ako eh..

Nakakamiss talaga sya.

Sana makita ko sya..

Pero kelangan ko panindigan na hindi na muna eh..

Na kailangan ko muna mag-isip..

Nakausap ko na din sya isang beses.

Pumayag na ako kasi ang kulit kulit nya.

"Wala ka na namang aasahan sakin eh"

P: "Alam ko, dahil alam kong sobra na kitang nasaktan"

"Let's seperate ways completely.."

P: "Tanggap ko Jam, sana maging masaya ka. At alam mo namang mahal kita."

Ngumiti ako sa kanya...

May pinagsamahan din naman kami eh,

Kaya di naman siguro masamang magbago ang isip ko.

Pero hanggang dito na lang talaga.

"Makakahanap ka din naman ng para sayo eh."

Binigyan nya lang ako ng tipid na ngiti.

P: "Sana katulad mo din sya..."

"Sus! Oo naman, madami naman dyan eh."

P: "Hindi Jam eh, kokonti na lang kayong ganyan. Kaya nga ang tanga ko at pinakawalan pa kita.."

"Nako tama na tong drama, sige na napatawad na kita..."

P: "Salamat ha, ang bait mo talaga. Iba ka sa lahat..."

"Nambola pa eh.."

P: "Pero sana mapatawad mo din si Kaye.."

Natahimik ako bigla..

P: "Di naman kita pinipilit, dahil alam ko sobrang sakit Jam.."

"Siguro hindi muna sa ngayon, dahil mas masakit nung sya yung nanloko eh.."

P: "Naiintindihan ko, pero sana, wag mo saraduhan ang puso mo para kay Kaye, para maging parte ulit sya ng buhay mo. Para maging matalik na kaibigan mo pa din.."

"Oo naman, yun nga lang, may tamang panahon dyan.."

P: "Oo nga.. Hmmmn. Nga pala, okay na si Mama, sobrang magaling na sya, at sabi ng doktor, malayo na daw na bumalik ang cancer nya. Uuwi na sya 2 months from now."

"Talaga? Okay yun ah. Kamusta mo ko sa kanya. Dalawin ko sya kapag umuwi sya dito."

P: "Sige asahan ko yan ha."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon