Chapter 55: :'(

17.9K 157 18
                                    

Bakasyon pero pagod ako.

Di nga ako sanay kasi lagi naman na pahinga ako sa bahay, ngayon naman hindi eh.

Trabaho lang ng trabaho.

Napapabayaan ko na nga si Paul.

Gaya nga ng sabi ko.

Madalas kami magkatampuhan ni Paul.

Nung 6th monthsary nga lang ata kami naging okay ulit, pero ngayon di na naman.

Inaaya nya kasi ako mag-mall.

Eh di naman ako pwede kasi may work ako.

Di naman ako pwede lumiban kasi badly needed ako dun.

Babawi na lang siguro ako sa kanya next time, pero ngayon talaga kailangan ko pang magtrabaho.

Sinabi ko naman sa kanya na kapag nairaos na debut ko,

Eh ititigil ko na pagtatrabaho ko.

Maraming gastusin nuon eh, kaya kailangan kong mag-ipon.

Nagtext sya sakin na magkita daw kami, may pag-uusapan daw kaming mahalaga.

Dapat nga di ako pupunta kasi papahinga pa ako eh.

Kaya lang baka naman lalo tong magtampo sakin.

Tumindig na ako at nagbihis.

Pumunta sa paborito naming tagpuan.

Ang park.

____________________

"Wala ka ng oras para sakin ah!"

"Bakit ka sumisigaw? Eh alam mo namang may trabaho ako."

"Kasi naman fate, magkikita nga tayo pero di naman matagal, miss na miss na kita eh"

"Sana lang intindihin mo naman ako"

"Iniintindi naman kita ah? Nahihirapan lang talaga ako"

Nandito kami sa park kung saan kami naging okay dati,

At ngayon dito naman kami hindi magiging okay.

Usapang init ng ulo ang pinapairal.

Oo nasasaktan ko na sya.

Pero wala akong maggawa.

Kung di nya ako kayang intindihin wala akong maggawa.

Ayokong mamili, parehas saking importante.

Nalulungkot ako kasi madalas na kaming hindi maging okay ni Paul.

Nakipagkita sya para mapag-usapan ang lahat.

Nahihirapan na sya.

At ang sakit sa puso ko na marinig na nahihirapan na sya.

"Nahihirapan din naman ako Paul."

"Alam mo Jam, mas mabuting magmahal ng malayo sayo na gustong gusto kang makita, kaysa yung taong malapit nga wala naman oras para makita ka."

Ouch! Sakit nun ah. :(

Bigla syang tumalikod at lumayo sakin.

Naninigas ang paa ko, parang gusto ko syang habulin pero may parte sakin na nagsasabing wag na.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now