FERRARI

2.7K 65 12
                                    

✩✩✩

AGA MUHLACH
Muhlach's Residence

Hapon na nang magising siya, pasado alas tres, lumabas siya sa kanyang silid dahil siguradong dumating na ang kanyang ama. Nadatnan niyang masayang nagtatawanan ang kanyang mga magulang sa kusina.

"Hey dad, what's up?", aniya ng lapitan niya ang mga ito.


"Aga, hijo. Why don't you give your old man a hug.", masayang sabi ng ama.

Dali dali din naman siyang tumalima.


Ang kanyang ama ay hindi pa rin nagreretiro bilang CEO sa isa sa kanilang family business. Matagal na itong sinasabihan ng kanyang ina na ibigay na sa kanya ang pamamahala sa kanilang negosyo.

Pumayag naman ang kanyang ama kaya narito siya ngayon sa Pilipinas.

Masaya silang nagkwentuhan at maya't maya pa, may narinig silang tunog ng sasakyan at tumigil sa tapat ng bahay nila. Pinapasok ng unipormadong katulong ang mga bagong dating at di siya nagkamali ng hinala, sina Richard, John at Robin ang sakay ng honda civic na 'yon.


Matagal na silang magkakaibigan simula pagkabata at parepareho sila ng paaralang pinasukan. Pati mga magulang din nila at malalapit na magkakaibigan kaya malaya silang nakakapaglabas pasok sa bahay ng bawat isa.

Pumunta sila sa kanyang kwarto para magkwentuhan nang makita ng mga kaibigan niya ang larawan ni Lea sa kanyang bedside table.

"Hanggang ngayon pa rin ba naman pare, siya pa rin ang gusto mo?", natatawang puna ni John habang nakaturo sa nakaframe na litrato.

"Di ba noon ko pa sinabi na siya ang gusto kong mapangasawa? Di pa rin nagbabago yun. Siya pa rin talaga.", nakangiting sagot niya.

"Tol, alam mo bang parang tigre ang babaeng yan?", sabad ni Chard.

"Akalain mo, si Dawn ang girlfriend ko ngunit kung manumbat siya akala mo sa kanya ako may pananagutan."

Nagtawanan silang lahat.

"Ikaw naman kasi, sa dinami dami ba naman ng mga babae, sa matalik na kaibigan pa ni Salonga.", panenermon naman ni Robin.

"Maiba tayo ng usapan, di ba February 14 ngayon? Ikaw Chard, panigurado may date ka, ba't di ka naghahanda?", pang-iiba ng Robin sa usapan.

"Oo nga ano, susunduin ko pa pala si Dawn sa school. Malapit na palang mag-five.", sagot ni Chard pagkatapos tingnan ang wrist watch.



"Eh ikaw naman John?", baling ni Robin kay John.



"Wala eh, sa resto lang ako. Siguradong maraming single ang dadayo ngayon dahil valentine's day.", nakangiting sagot ni John. Ang tinutuloy nitong resto ay isang bar na pag-aari mismo ni John, ipinatayo ito ng kanyang kaibigan noong nasa abroad siya at sa awa ng Diyos ay successful naman.


Walang girlfriend si John  pero marami itong ka-flirt.


"Ikaw naman Rob? Mayroon na bang ka-date?", nakangiting tanong niya sa kaibigan. Sa kanilang lahat, si Robin ang pinakamalihim. Nang magbinata sila, alam nilang may nagugustuhan si Robin pero hindi nila alam kung sino at ayaw ring umamin ng kaibigan nila. Hindi rin ito nagkagirlfriend kahit kailan kaya inisip nilang malakas talaga ang tama nito sa babaeng iyon.

"Mayroon akong gustong i-date kaso mukhang mahihirapan ako sa isang to.", sagot ni Robin.


Nagkantyawan sila sa sinabi ng kaibigan.

"Sino ba yan at nang matulungan ka namin?", tanong ni John.


"Kahit sabihin ko sa inyo, hindi niyo rin ako matutulungan at saka baka lalong maging komplikado ang sitwasyon.", paliwanang ni Robin. Bagaman nakangiti, napansin niyang parang naging malungkot ang mga mata nito.


"Hulaan ko, nagsisimula ba sa letrang K ang pangalan niya?" Tanong ni Chard.


"Hindi a." Agad na tanggi ni Robin.


"Di pa kasi aminin." Bulong ni Chard.


"Ano na ngayon ang plano mo Ags?", tanong ni Chard pagkaraan ng ilang sandali.



"Pupuntahan ko siya.", nakangiting sabi niya.


"SIYA? Ang tinutukoy mo ba ay si Principal Lea Salonga?", painosenteng tanong ni John.


"Sino pa nga ba?", sagot naman niya.


"Hay naku, good luck na lang sa'yo pare.", naiiling na sabi ni Chard.


"Hindi pa rin nagbabago ang babaeng 'yon."

"E di maganda. Ibig sabihin nun, mahal pa rin niya ako hanggang ngayon.", nakangiting sagot niya.

Napailing sa kanya ang tatlong kaibigan.



"Grabe talaga ang tama mo sa babaeng yun." Komento ni John.


"Pare, tama na ang daydreaming. Hindi marunong magmahal 'yon."



Napangiti na lang siya sa tinuran ni Chard.



Bibigay din siya sa akin. I swear..

✩✩✩

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now