VOLVO

1K 42 8
                                    

AGA MUHLACH


He waited for her to come home to him pero naghintay siya sa wala. He tried calling her but her phone is unattended.


Sinubukan niyang tawagan si Dawn para makibalita pero hindi rin sumasagot.


Ang huli niyang kinontak ay ang bahay ng asawa at ang nakausap niya ay si Manang Aida. Sinabi ng butihing yaya ni Lea na kanina pa daw nagpapahinga ang asawa at tinanong kung anong oras siya makakauwi sa bahay ng mga Salonga.


Nagdahilan na lang siya na pinaniwalaan naman nito.




...



"Insomnia?"



Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at pilit inaninag ang pigura ng kanyang ina sa madilim na bahaging iyon ng lanai.


Kasalukuyan siyang nasa gilid ng pool at tinutungga ang isang bote ng alak.

Lumapit sa kanya at ang kanyang ina at umupo sa tabi niya.

"The last time I saw you like this was when your grandmother told you that you're going to study abroad." Panimula ng ina.



"What's bothering you?"




"Nothing too serious, Ma." Sagot niya pero gustong gusto na niyang mag-open up.



"Okay. Sabi mo e. Pero bakit ka nga pala andito?" Takang tanong  ng ina. "Hindi na kami nag-usisa ng daddy mo noong dumating kang mag-isa dito. Pero sa inaakto mo ngayon, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mag-alala. Ano bang nangyayari sa'yo?"


"Bawal na po ba akong umuwi dito?" Balik tanong niya.



"Loko loko, ang ibig kong sabihin, bakit mo iniwan si Lea sa condo niyo? Nag-away ba kayo?" Diretsang tanong sa kanya.




"Sort of."




"Anak naman, dapat suyuin mo hindi yung nandito ka na nagmumukmok. Anong maidudulot sayo ang pag-inom ng alak?" Paninita ng ina.



"Buti nga sana kung nasa condo si Lea. Kaso umuwi siya sa kanila." Wala sa loob na sabi niya.




"At anong ginawa mo para mag-alsa balutan ang asawa mo?" May himig panenermon sa tinig ng ginang. "Hindi basta bastang aalis ng bahay ang isang asawa kung hindi malala ang sitwasyon."





Pati ba naman nanay ko parang ako ang sinisisi.




"Bukas na bukas din po pupuntahan ko sila sa kanila." Sabi na lang niya.




"You better make this right, Aga. Kung hindi lagot ka sa mga magulang ni Lea. Tandaan mo, nag-iisang anak lang siya at higit sa lahat sarili mong lola ang makakalaban mo dito."



"Grabe naman po. At pinapaalala ko lang din po na ako po ang anak niyo." Sabi niya. "Para kayong si Lola mas mahal pa ata siya kasya sa akin."



Medyo naparami na rin siya ng nainom kaya sumasagot na siya.




Binatukan siya ng kanyang ina. Hindi naman masakit pero hindi siya makapaniwala na ginawa yun ng nanay niya.



His mom is a doctor. Meaning, manggagamot, e bakit nananakit?




"Mom!!" He whined. "Don't do that. Masakit kaya."



"Asawa mo si Lea at dahil diyan, anak na ang turing namin sa kanya."


Natigilan siya sa tinuran ng kanyang ina.



Nakokonsensya siya. He hated lying but he choose to do this para mapunta lang sa kanya ang babaeng gusto niya.




Lumipas ang ilang minuto na wala silang imikan.



"Mom, can I ask you something?" Seryosong tanong niya.


"Sure. I've been waiting for that question. Buti naman nagkalakas loob ka na." Nakangiting sabi nito.



He took a deep breath first, "Can you tell me something about Congenital Heart disease.?"



His mom blinked at him several times before answering him with a question.

"Why are you interested? Is someone sick?" Naalarmang tanong nito.



"Nah. I was just curious." Pasimpleng sagot niya.



Tiningnan siya ng maiigi ng kanyang ina and he lowered his gaze kasi baka mabasa pa nito ang nilalaman ng utak niya.



"Did you googled it up?" Mahinang tanong ng ina. Nakatingin na rin ito sa malayo at parang nag-iisip na kung bakit siya nagtatanong tungkol doon.



"Yes, I did."



"And yet you're asking me,.. hoping I'll give you a different answer, right?"





There is nothing he can hide from his mother. She knows him too well.




"This is about Lea."



Hindi siya nagsalita.


It's not a question but a statement. And he doesn't want to affirmed it.



"Kung ayaw mong sabihin, it's okay. All I can say is that, women with this kind of disease shouldn't get pregnant."


He already knew that but coming from his mother is a different thing. It makes the matter worse.


"Why?" He asked.



"Because it's too dangerous for them. It may cost them their lives."



'Ang tinatanong ko bakit si Lea pa?'

So that's it.

Hindi siya magkakaroon ng anak sa babaeng tanging minahal at minamahal niya sa mahabang panahon.


He wanted a family with children playing and laughing.. but she can't give it to him.

✩✩✩


A/N: I said that this story will be completed in two weeks. So I'm gonna fast track it.

Thank you for voting and giving comments.

God bless you all.

-AA

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon