MONTERO

1.2K 43 1
                                    

AGA

Pagpasok nila sa parking lot, nakaabang na si Lea sa slot para sa principal.

Dali daling lumabas s Lea mula sa passenger's seat. At sinalubong ang kaibigan.

"Kaninong sasakyan?", narinig niyang tanong ni Dawn.

"Wag mo nang alamin. Tara na." Sagot naman ni Lea.

Bago pa man sila makalayo, ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at tinawag si Dawn.

"Hi Dawny!" Kumaway siya nung napatingin sa kanya.

Napatakip ng bunganga si Dawn dahil sa pagkagulat pagkakita sa kanya. Lalapit sana ito sa kanya ngunit hinila na ni Lea.

"Bye Babes. See you later." Sigaw niya.

Tumingin sa kanya si Lea ng matalim at saka pinagpatuloy ang paglalakad.

Paalis na sana siya nang may nagpark din katabi ng kotse niya. Kabisado niya ang plate number na yun pati ang modelo ng sasakyan.

Kay Robin.

Ibinaba ng driver ang tinted window ng sasakyan at hindi siya nagkmali ng hinila. Si Robin nga.

"Uy pare, bigla kang nawala kagabi a. San ka nagpunta?."

"Pasensya na pare, emergency lang. Ikukwento ko sa inyo mamaya."

"Nga pala, anong sadya mo dito? May pinapagawa ba si Lola Annabelle?"

"Wala naman. Hinatid ko si Lea."

"What? Hanep, paano nangyari yun?" Manghang tanong ng kaibigan.

"Long story Pare. Mamaya na ang boung detalye. Sige na malelate ka na sa klase mo."

"O siya sige, mamaya a. Gusto kong marinig ang boung kwento. Ingat sa pagmamaneho."

"O sige pare, salamat."

....

"Where have you been Muhlach? I've been trying to reach you. Bigla ka na lang nawala kagabi at di na bumalik." Usisa ni John pagdating niya sa bagong office nila.

Matagal na nilang balak ipatayo ang business na to at nitong huli lang nang mafinalize ang plano nila at maisakatuparan ang mga pangarap nilang gawin.

"I stayed at my wife's place." Seryosong pagbabalita niya.

Napanganga ang dalawang kaibigan niya.

"Wife?" They said in unison.

"Who?" Tanong ni Chard.

Napabuntong hininga ako saka ko sila tiningnan sa mata.

"Maria Lea Carmen Imutan Salonga...Muhlach."

Natawa si Richard. Naipailing naman si John.

"Nak ng pating naman, Muhlach! Tigilan na natin yang pagdedaydream mo pare. Tigilan mo na si madam Principal. Please lang.." Sabi ni John. "Nakakapagod na e. Hindi ko na alam ang gagawin sayo pare. Nababaliw ka na."


Napangiti siya.

"Oo, baliw na baliw ako sa kanya. Mula High School tayo andami ko nang emotional investment, Ngayon pa ba ako titigil?" Sabi ko.

"Tol, totoo ata ang sinasabi ng baliw na to. Tumawag si Dawn, magkasabay daw dumating sa school sina madam principal at si Muhlach." Pagbabalita ni Chard.

Natigilan naman si John, tumingin sa kanya saka humalukipkip.

"I told ya."

"Okay. Talk Muhlach, I want to hear it from you."


"I want Robin here before I tell you everything." Sabi niya. "Ayokong ulit ulitin."

"Okay, the details are for later. But I want to know if it's real or not real. Are you really married?"

"Yes. And Maria Lea Carmen Salonga-Muhlach is my lawful wife." Pag-amin niya. "And here is the proof." Iwinagayway niya sa pagmumukha ng mga kaibigan ang hawak niyan papel.


Kinuha naman ito ni John at sabay nilang binasa ni Chard ang nilalaman.

"Congratulations Pare!"sabay na bati ng dalawang kaibigan niya. "This calls for a celebration!"

....

Katatapos lang niyang mag update sa status ng business nila sa California ng biglang tumawag ang kanyang ina.

"Son, why didn't you tell us?", agad na pambungad nito. "You didn't even invite us in your wedding." Nagtatampong sabi ng ina.

"Ma, it's just a civil wedding."

"Kahit sa hukom man yan, gusto ko pa ring mag attend sa kasal mo. Pati ang mga magulang ni Lea ay nagsesemyento din dahil di man lang nila nasaksihan ang kasal ng nag iisang anak nila. You better make this right, son. Kaya mo namang maghanda for a grand wedding. Hindi naman tayo naghihirap anak. And your wife deserves to have the best wedding. It's one of the most memorable day of a woman's life." Pangaral ng ina.

"We are planning for that Ma."

"You better make it quick. Everyone in the family was shocked when they heard the news. Lea is to be married to your cousin. You should have told us that you are already married to her."


"I'm really sorry" hinging paumanhin niya ulit.

"Anyway, Edward wants to talk to you too regarding this matter. Nagmukha namang tanga yung pinsan mo sa nangyari, all he knew that he was going to be married to Lea then all of a sudden, hindi naman pala."


"That is what you think, Ma. But Edward never wants to be married to someone he doesn't even met. And besides, he has a girlfriend before he was bethrothed to Lea. I'm sure tuwang tuwa yun kasi hindi na siya matatrap sa unhappy marriage."


"You seem so sure, son. Kahit ano pa man ang nararamdaman ni Edward ngayon whether masaya siya o hindi ang point is bakit hindi mo man lang sinabi, to think na nandoon ka pa noong maiannounce ang balita."

"For that I'm really sorry. I wanted it to be a surprise."


Napabuntong hininga na lang ang kanyang ina.

He hates lying to his mother. Even though Dr. Elizabeth Muhlach is a very understanding mom, hindi niya kayang sabihin ang kabalbalan na ginawa niya. Kasi siguradong paghihiwalayin sila at wala siyang laban doon kasi alam niyang siya lang ang may gusto sa nangyari.


Hindi niya alam kung ano ang rason nang pagpayag ni Lea sa ginawa niya pero ayaw na niyang alamin basta ang importante, may marriage certificate sila. Peke man yun o hindi.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now