ISUZU

1.1K 41 5
                                    

LEA

Kanina pa nangungulit si Dawn sa kung ano ang status nilang dalawa ni Aga kaya sinabi na rin niya ang sitwasyon nila. Pasasaan ba at malalaman din nito ang tungkol sa kanila.



Napatili naman si Dawn sa nalaman.



"Oh my goodness bestfriend, I thought wala talagang effect sayo ang mga pagpapalipad hangin at pangungulit ni Aga sayo noon, yun pala nahulog ka na rin sa kanya."

"Excuse me, hindi ka ba nakinig? Forced marriage to. Or in a more gentle way of putting it, marriage for convenience. Kailangan niya ng asawa, fine, kailangan ko din para hindi na ako makasal sa lalaking napili ni Papa. Unknowing na si Edward Muhlach pala yun, if I knew e di hindi sana ako pumayag."

"Hmmnn.. I know you better than that. Hinding hindi ka papayag sa gustong mangyari ni Aga nang dahil lang dun. Kung iisipin ko, mula noon na panliligaw hindi ka bumigay, what happened? Kung ako ang tatanungin, it is because you love him already."


Napamaang siya sa tinuran ng kaibigan.

"Lasing ka ba Dawn?, ni katiting na pagmamahal wala akong nararamdaman para sa hambog na lalaking yun." Madiin niyang wika.


"Okay, deny pa..", pabulong na sagot ni Dawn pero nadinig pa rin niya.


"Nasabi ko na rin naman na sayo ang nangyari kaya pwedeng iwan mo na ako please? Sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi mo."


Napangisi si Dawn.


"Okay Ma'am. Have a good day."

Nang makaalis ang kaibigan saka pa lang siya napabuntong hininga.

Wala pang isang linggo nang unang magkita sila ng 'asawa' ay parang andami nang nangyari sa buhay niya. For a very long time simula noong nagpunta sa abroad si Aga para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ay naging tahimik ang kanyang buhay. May mga mangilan ilan siyang manliligaw noon ngunit hindi niya ineentertain.

Isa sa naging masugid niyang manliligaw ay ang anak ng business partner ng kanyang ama. Si Jomari Saavedra, maginoo naman ito at mayroon din namang itsura, yun nga lang, wala talaga siyang maramdamang pag-ibig para dito.

Once in a while ay tumatawag pa rin si Jomari sa kanya tapos lumalabas sila kapag may pagkakataon. They never talked about their status but she made sure na hanggang pagkakaibigan lang ang tangi niyang maibibigay para dito.

»

Alas dos ng hapon ng may kumatok sa kanyang pinto at dahil abala siya sa pagsusulat ng kanyang monthly report ay sinabihan na lang niya na pumasok kung sino man ang nasa kabila ng pinto.

"Ang sipag talaga ng misis ko."

Napaangat siya ng mukha at ang nakangiting mukha ni Aga ang nakita niya.

Inirapan niya lang ito at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.

Napaupo naman ito sa silyang nasa sa harapan ng kanyang desk at kinuha ang diyaryo na nasa coffe table. Wala silang imikan habang nagbabasa ito at siya naman ay tumitipa sa kanyang computer.
"Anong kailangan mo?", tanong niya pagkatapos ng kanyang ginagawa.


Napatingin naman sa kanya si Aga.

"Wala naman. Dumadalaw lang. Namiss kita e." Simpleng sagot nito.

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon