AUDI

1.1K 48 3
                                    

LEA

Walang imik si Aga habang sakay sila sa elevator at wala ring imik ito nang ihatid siya sa kanyang nakaparadang kotse.

Hindi na siya nakatiis kaya siya na ang unang nagsalita.

"Dawn texted me. She said you are in trouble at sabi niya nasa ospital ka dahil nakipag away ka kay Jomari at napuruhan mo siya." Paliwanag niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag.

"So dahil na ospital si Saavedra, dali dali kang nagpunta rito para matingnan ang kalagayan niya." Mapaklang sabi nito. "At galit ka sa akin dahil ako ang may kasalanan."


"I already know what happened."


"But you didn't asked me first kung ako ba talaga ang nang-away, you just presume na ako dahil sa mata mo, isa akong bastos, walang modo at basagulerong tao." Punong puno ng bitterness ang pagkakasabi nito sa kanya at gustong gusto niya itong yakapin at sabihing nagkamali siya ng akala.


"Ewan ko sa'yo. Aalis na ako." Sabi na lang niya para tumigil na ito sa kadramahan.


"Not so fast, Babes." Sabi nito at hinapit siya sa baywang.

"Ano ba!", asik niya.

"I didn't hear you say you're sorry."


"I'm sorry. Okay na?"


"Hindi pa." Pagkasabi nito ay agad siyang hinalikan.

Napasinghap siya sa pag atake nito at kusang napakapit siya sa matipunong braso nito.

Matagal, mapusok ang halik na yun.

Hindi na niya namalayan na unti unting tumaas ang mga kamay niya at ipinulupot sa batok ng asawa.

Humihingal sila pareho ng maghiwalay sila. Pero nakapulupot pa rin ang mga braso ng asawa sa kanyang baywang. Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya.


"Masaya ka na?" Nangungutyang tanong niya. Pero hindi pa rin siya makatingin ng diretso kay Aga.


Hindi ito umimik.


"Uuwi na ako. May pasok pa ako bukas." Sabi niya pero hindi pa rin siya nito binibitawan.

Pinilit niyang kalasin ang mga braso nito pero lalo lang hinigpitan.


"Muhlach? Are you listening?"

Silence...


"Do you usually let someone to kiss you when you do them wrong? To say you're sorry?"


Napaawang ang kanyang labi sa narinig.


"What do you think of me?", naniningkit na tanong niya at pinilit niya ulit na kumawala sa mga bisig nito ngunit walang nangyari dahil masyado itong malakas.


"You said you hate me but you're letting me kiss you senseless and you even reaponded. What do you think I should think?"


"Wala akong pakialam sa kung anong iniisip mo. Hindi naman kita hinayaang halikan ako. Ikaw lang naman itong barumbado na bigla na lang nanghahalik at pagkatapos kukutyain mo ako dahil hinalikan mo ako? Ang kapal din naman ng mukha mo. Sa tingin mo ba masaya ako kaya kita hinahayaang gawin sa akin yun?", nagngangalaiting sabi niya.


"I came here because Dawn told me you are in trouble. Para akong tanga dahil sa pag-aalala na baka mademanda ka because I know the Saavedras won't tolerate this. Pero wala dapat akong ipag-alala kaya pasensya na ha kung inisip kong ikaw ang may pakana sa nangyari kay Jomari." Sigaw niya rito.


Inis na inis siya dahil tingin ata ng lalaking ito na isa siyang malanding babae.


"Talaga?", abot-tainga na ang ngiti nito.


Ngali ngaling sampalin niya ito para matanggal ang ngiti nito sa mukha.
Kanina lang, ang dilim ng mukha ngayon naman nagliwanag.



"Ibig bang sabihin nito mahal mo na ako?"


"Asa ka pa!!. Bitawan mo nga ako."



"Pwedeng humingi pa ng isang halik?" Nakangiting tanong nito.



"Pagkatapos mo akong halikan ng walang paalam, tingin mo papayag ako sa gusto mo?"



"Hindi ko naman talaga hinihingi ang permiso mo e. Sinabi ko lang yun para matingnan ang reaksyon mo." Sabi nito at akmang hahalikan ulit siya pero nag iwas siya kaya sa pisngi niya dumampi ang mga labi nito.




"Pwede ba Muhlach, nasa parking area tayo. Nakakahiya sa mga nakakakita." Pabulong na sabi niya.



Mukha namang natauhan ang asawa niya kaya sa wakas ay binitawan na rin siya.

"Ingat sa pagmamaneho, Babes." Sabi nito at kumaway pa sa kanya at ginantihan naman niya ng irap.

»»»

MORNING AFTER

"I'm sorry Lei. Ang pagkakaintindi ko kasi sa sinabi ni Chard ay si Aga ang pasimuno ng gulo. Malay ko ba na sila pala ang tagapaligtas." Hinging paumanhin ni Dawn. Pero alam niyang sinadya iyon ni Chard.

Alam niya ang kalokohan ng mga magkakaibigan na yun dahil siya ang firsthand na nakaranas sa mga kalokohan ng tinaguriang F4 noong highschool sila.


"Hiwalayan mo na yang Chard na yan. Walang mabuting idudulot ang pakikipagrelasyon mo sa kanya." Sabi niya.


"E ikaw, bakit di mo pa hinihiwalayan si Aga?"



"Darating din tayo dyan." Simpleng sagot niya.

"If I know, mahal mo na e." Sabi naman ng kaibigan. "Richard told me, nakita niya kayo sa parking lot kagabi."

Nagkulay rosas bigla ang mga pisngi niya nang maalala ang nangyari sa parking lot ng ospital.

"Buti naman at nasabi pala niya ang kabastusan ni Muhlach. Naniniwala ka na ba na hindi santo ang Muhlach na yun?"


"Hindi ko naman sinabing santo si Aga a. At saka bakit naman ganyan ka kung makareact ka, karapatan naman niya yun dahil asawa mo siya."



"Dawn! Sino ba ang kaibigan mo? Ako o siya?"



"Eeii...syempre ikaw kaya nga tinutulungan kitang tanggapin na mahal mo na yung tao."


"Pwede ba, umalis ka muna? Please? Ang sakit na ng sentido ko sa mga pinagsasabi mo. Parang awa mo na Dawn, wala akong ni katiting na pagtigin para sa lalaking yun."


"Hay. Sige na nga. Sabi mo e."


Nang makaalis ang kaibigan ay napasandal siya sa kanyang upuan.

Pilit niyang iwinawaksi ang nangyari kagabi. Hindi niya maitatanggi ang kakaibang sensasyong nadama niya nang halikan siya ng asawa.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now