NAKAKOTSE 😂

3.1K 67 38
                                    

LEA SALONGA-MUHLACH




It's official.

Mrs. Ariel Muhlach.

Yan na ang bago nitang titulo, kahanay ng 'Ice Queen', 'Terror Queen' at pati yata 'Evil Queen' ay nakuha na niya.

Pero wala na siyang pakialam kahit ano pa ang itawag sa kanya basta ang importante ay "Mrs. ARIEL MUHLACH" na siya ngayon.

Today is like any other day, maaga siyang nagising para magprepare ng agahan. They already bought a house and they prefer to live na sila lang, walang kasambahay pero may weekly housekeeper na pumupunta para may katulong siyang maglinis at mag-ayos.

Aga also spend his Saturdays sa bahay nila kung hindi siya hinahanap sa opisina.

They exchanged vows four months ago sa Manila Cathedral, kasi pangarap talaga niyang ikasal sa simbahan na yun kahit pa maraming nang artistang kinasal doon pero naghiwalay din.


"Good morning, Babes." Bati ni Aga sabay halik sa pisngi niya then niyakap siya mula sa likod at ipinatong ang chin sa balikat niya.


"Aga, I'm cooking." Sabi niya at pilit inignora ang asawa.


"So what?"


"You're distracting me."


"Really?" Painosenteng tanong nito pero nagsimula na siyang halikan mula sa likod ng kanyang tainga pababa sa kanyang likod.


"My God, Aga! Will you stop it?" Saway niya.

But her protests fell on deaf ears.

"Pwedeng kumain muna tayo?" Sabi niya para tumigil na ito sa ginagawa sa kanya.

"Later.."


The doorbell rang.

Pareho silang napatingin sa may main door at yun na rin ang naging escape niya para makawala sa bisig ni Aga.

"Baka yung housekeeper na yan." Sabi niya at inilapag ang hawak na spatula sa counter.


"She has her key." Aga frowned.

He has a point. Hindi naman  magdodoorbell ang housekeeper nila dahil may sarili itong susi sa main door at sa loob ng paninilbihan nito sa kanila which is tatlong buwan pa lang naman ay hindi na ito nagdodoorbell.


Sabay silang nagtungo sa pinto para alamin kung sino ang kanilang panauhin.


It's only seven in the morning.


"Surprise!" Tili ni Vice pagbukas niya ng pinto.


"Ang aga aga, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aga. Halata ang inis sa gwapong mukha nito.


"Ang aga aga rin, nakasimangot ka. Uy, Salonga, hindi mo ba pinagbigyan ito?" Baling ni Vice sa kanya.


Napatawa siya sa sinabi ni Vice.


"Panira ka ng araw. Ano ba kasi ang pinunta mo dito ng ganito kaaga?" Hindi na talaga itinago ng asawa niya ang iritasyon.


"Mamaya kasi, magpopropose na si Richard kay Dawn." Masayang pagbabalita ni Vice. "Pero syempre hindi alam ni Dawn yun, ewan ko ba sa kaibigan mo at naisipang gawin ito. Kagabi ka pa daw niya kinokontak pero patay ang cell mo. Maging itong si Lea ay ganun din. At hindi rin namin maintindihan ay pati linya ng telepono niyo ay hindi rin gumagana. Kaya ako narito ngayon para icheck kung buhay pa ba kayo."


Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon