MITSUBISHI

1.7K 48 4
                                    

✩✩✩

LEA SALONGA

Kasulukuyan siyang nagliligpit ng kanyang gamit ng marinig niyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang matalik niyang kaibigang si Dawn.

"Baka naman sa susunod may balak ka nang kumatok." medyo naiinis na sabi niya sa kaibigan. Madalas na gawin ni Dawn ang bigla bigla na lang pagpasok sa opisina niya at minsan napapasigaw siya sa gulat lalo na kapag may ginagawa siyang importante.

"Pasensya ka na, excited lang kasi ako sa ibabalita ko sa'yo.", tuwang-tuwa na sabi ni Dawn.

Tiningnan niya ito ng matiim. Excited na excited nga ang mukha nito pero medyo kinakabahan siya dahil kapag ganitong good news ang tingin ng kaibigan, bad news naman iyon para sa kanya.

"Tungkol saan?", tanong niya.

"Naihanapan na kita ng ka-date.", masayang turan nito.

"Pwede ba Dawn, hindi ako interesado sa mga ganyan."naiiritang sabi at pinagpatuloy ang pagliligpit.

Napabuntong-hininga naman si Dawn. "Sayang, mabait at gwapo pa naman 'yon."

"E ikaw, sino na ang bago mong boyfriend?", balik tanong niya sa kaibigan.

"Ano ka ba, anong bago? Si Chard pa rin ang boyfriend ko noh."

"Hanggang ngayon kayo pa rin ng lalaking 'yon?", hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sobra ka naman, parang ang sama sama naman ni Chard kung makapagsalita ka a. Mabait at mabuting tao si Chard, kilalanin mo kasi.", sabi ni Dawn.

Nagkibit balikat na lang siya para matapos na ang usapan tungkol kay Chard.

"Teka nga, kailan mo naman balak sagutin ang isa sa mga masugid mong manliligaw?", usisa ni Dawn.

"Wala akong magustuhan sa kanila.", simpleng sagot niya.


"Kasi hinihintay mong bumalik si Muhlach?" nanunudyong tanong nito.

"Sinong Muhlach?", nakakunot-noong tanong niya.

"Asus, kunwari ka pa. E sino pa ba, si Aga Muhlach. If I know, sabik ka ding makasagap ng balita tungkol sa kanya."

Bigla siyang natigilan.

"Dawn, tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan ha."


"Aminin na kasi." patuloy na pang-aasar sa kanya ni Dawn.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na at maghanda sa date niyo ng Richard na 'yon 'wag ako ang guluhin mo.", inis na sabi niya.

"Teka nga lang, ano ba talaga ang ginawang kasalanan sa'yo ni Chard? Bakit galit na galit ka sa kanya? Don't tell me, naging kayo dati at hindi maganda ang naging break-up niyo?", tanong ni Dawn.

Napailing siya sa teorya nito.

"Dahil kasama siya ni Muhlach sa pambabastos sa akin noon, nakalimutan mo na ba?", nanggigigil na turan niya. Hangggang ngayon tuwing naaalala niya ang lahat ng ginawang 'pambabastos' sa kanya ni Aga, sobra pa rin siyang naiinis.


Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon