NISSAN

1.1K 55 13
                                    

DAWN ZULUETA


Kanina pa siya palakad lakad sa pasilyo ng ospital habang hinihintay ang pagdating ni Aga.


'Kung kailan kailangan saka naman hindi makontak'

She already contacted Richard para ang kasintahan na ang bahalang maghanap kay Aga at mahigit trenta minutos na ang lumipas ay wala pa ring feedback.

Humahangos na dumating si Aga kasama si John. Malamang hindi rin pinayagan ni John na magdrive si Aga kaya ito mismo ang nagprisintang magmaneho.

If there is also one thing I know about Aga, hindi dapat siya nagmamaneho kapag may emergency kasi baka ito ang makaaksidente.


There was a time na nahuli siya dahil sa nag-overspeeding. Nagmamadali kasi siyang mahabol ang flight ng pinsan niyang si Katherine pero ang ending hindi niya naabutan kasi nga nasita siya. Estudyante pa naman siya nun. They were Fourth year High School students when that happened.


"Anong nangyari?" Agad niyang tanong.


"Gago, di ba dapat ako ang nagtatanong niyan?" Bulyaw niya.


Naguguluhan namang nakatingin sa kanya si Aga. Nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang ibig niyang sabihin.


"She is gasping for air when I entered her office around noon. And I heard that you were the last one in there before I arrived. So can you please care to explain what happened?"

"Shit!" Napamura ito.

"What did you do this time, Aga?" Now, she's sure something did happened.

Hindi makapagsalita si Aga.

"Dawn, calm down please." Sabi ni John.

"Hindi ako kakalma hangga't hindi ko naririnig kung anong nangyari." Sabi niya kay John saka bumaling kay Aga. "I am willing to help you para maging maayos kayo ng kaibigan ko because I truly believe you are a good man. Pero kung ganito rin lang ang mangyayari, maybe it's better kung tigilan mo na lang siya. Please, Aga. You don't know what's Lea been going through.."

"Then why the hell won't anybody tell me kung anong sakit niya. Para naman maintindihan ko at makapag-adjust ako for her. Lahat naman gagawin ko para sa kanya a at hinding hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasama niya. Hindi pa rin ba malinaw yun?


Walang umimik.



The hall is deserted kasi puro mga private rooms ang floor na yun. May mangilan ilan lang na nurses na napapadaan sa pasilyong yun.

"Alright, we had an argument and I think I lose my patience and I..." naputol ang kanyang sasabihin dahil parang natauhan ito at ayaw na niyang ituloy ang pagkukwento.

"And you what?" This time, si John naman ang nagtanong. Curious na curious kung anong nangyari. May pagkatsismoso din kasi ang isang to, kalalaking tao.

Tumingin muna sa kanya si Aga at napalunok.

Tumaas ang kilay niya na parang sinasabing, ano na?



"....I kissed her.." sa wakas ay nasabi niya.



Napasipol si John. And she pursed her lips para hindi siya mapangiti dahil aminin man niya o hindi, kinilig siya dun.



Fan kasi siya ng LeAga, eversince noong teenager pa sila. So okay.


"I suggest na kapag galit na ang asawa mo, wag na wag mo siyang hahalikan. Because we all know naman that if someone is absolutely mad, kailangan ng maraming supply ng oxygen. Natural hindi yun makakahinga lalo kung hahalikan mo pa." Asik niya. Pero halatang nagniningning na ang kanyang mga mata.

"Am I forgiven?"

"Hindi pa. Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo?" She knows Lea is someone who will never lose her cool dahil lang sa simpleng pangungulit ni Aga.



This is more than that for sure.


"Nakukulitan daw sa akin e. Nagtatanong kasi ako regarding kay Nikki Alleje kasi nakasalubong ko siya kaninang umaga, galing sa opisina niya. Then she said something about Lea's secret. Syempre naintriga ako kaya kinulit ko si Lea. Nakakastress lang kasi dahil parang mas marami pang alam yung bruha nating kaklase kesa sa akin." Paliwanag niya.

'Kaya naman pala. Pero paano nalaman ni Nikki ang tungkol kay Lea?'

>>>

AGA MUHLACH

"Your wife has a congenital heart disease."

Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabing iyon ni Dr. Ventura.

He heard from his mother that if a woman is in this kind of situation, she should not get pregnant.

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Do you know what that means, son?" Tanong ng doktor. Dr. Ventura is his mother's colleague.

Marahan akong tumango.

"Are you sure about this?" Nanghihinang tanong ko at napaupo ako sa bakanteng upuan na naroon.

Tumango ang may edad nang cardiologist.

"Lea is my patient since she was eighteen. Look, I'm sorry kung hanggang dito lang ang masasabi kong impormasyon. You know how it works since your mother is also a doctor and not to mention a very good friend of mine."

Tumango na lang ako.

"And I would appreciate it if this will remain between the two of us. Lea doesn't want her condition to be known."

Tumango na lang ako.

>>>

I made mental note to contact my mom once I we get home.

But for the meantime, dito muna ako hangga't hindi nagkakamalay si Lea.


"Tol, nagtext na si Dawn. Gising na daw si Lea at gusto nang madischarge dito sa ospital. We need to go na." Sabi ni John.


Napagkasunduan nilang tatlo nina Dawn na hindi nila ipapaalam kay Lea o kahit kanino man na alam na niya ang tungkol sa sakit nito.



Gusto niya munang silipin bago sila umalis pero hinila na siya ni John. "Sa bahay mo naman siya uuwi kaya halika na."



"Baka dumiretso yun sa bahay nila." Sabi niya.


"E di suyuin mo. Ano ka ba, mas lalong hindi ka na kakausapin nun kapag nakita ka niya dito."


"Saglit lang naman. Saka hindi naman basta basta makakalabas yun dito e."


"Hoy, si Lea Salonga yun. Maraming koneksyon. Isang salita lang nun kay Dr. Ventura tiyak na wala pang isang oras, nakalabas na siya dito."


"Sabagay, may point ka nga naman. Pero saglit lang, one minute, silip lang." Pangungulit niya para bitawan na ng kaibigan yung braso niya.



Para silang magkasintahang nag-aaway sa may hallway sa lagay nila.


"Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta ako aalis na ako. Madamay pa akong mabugahan ng apoy ni Lea the Dragon." Sabi ni John at nagmamadaling sumakay sa elevator.


Napatawa siya sa narinig a sinundan ang kaibigan.


"Biro lang, tol. Seryoso mo masyado."

☆☆☆

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now