BUICK

1.2K 60 35
                                    

2nd day...


"Hoy, Salo--este Muhlach pala! Hindi ka ba talaga mapipilit na sumama magswimming? Maraming turista ngayon." Si Vice.


"Ano ngayon?" Mataray na tanong ni Lea.

"Ay? ok. Sige, mag-enjoy kang nakatanaw na lang mula rito. I heard Aga has a thing for long-legged women, lalo na kapag foreigner."

Napakunot-noo siya sa narinig at awtomatikong hinanap ng nga mata niya ang asawa.

"Ito po ang salamin niyo, misis. Malayo po dito ang tinatanaw niyo kaya hindi niyo po mamumukhaan si Mister." Nakangising sabi ni Vice habang inaabot ang kanyang eyeglasses na ipinatong niya kanina sa lamesa.

Namumula man ang kanyang pisngi pero parang walang anuman na hinablot niya ang eyeglasses mula sa kamay ng kaibigan at agad na isinuot.

"Deny pa kasi. Tsk, tsk, tsk.. mahal na niya, di pa kasi aminin." Nanunudyong sabi ni Vice.

"Pinagsasabi mo? Magbabasa pa ako kaya kung magsuswimming ka, umalis ka na." Sabi niya saka ito tinalikuran.

"Ok. Sunod ka ha. Wait ka namin." Nakatawang pahabol ni Vice.

...

LEA

Badtrip naman o. Bakit ba hindi ko maintindihan itong binabasa ko?


Gusto mong pumunta sa beach - sigaw ng isang parte ng utak niya.

Napailing siya para iwaksi ang ang sulsol ng kontrabida niyang utak.

Pero lumipas na ang limang minuto nasa parehong pahina pa rin siya at yung binabasa ay hindi pa rin nagreregister sa isip niya kaya itiniklop na lang niya at binuksan ang TV.

Seven minutes had passed pero ganun din ang sitwasyon, hindi pa rin niya maintindihan ang pinapanood.

Ngali-ngaling ibato niya ang hawak na remote control dahil sa sobrang pagkainis.

Alright, I'm going to the beach.

...


"Salonga!!!" Tili ni Vice pagkakita sa kanya. Masaya itong lumalangoy kasama ang isang lalaki na tantiya niya ay more than 6 feet ang taas base na rin sa itsura at katawan nito.

Halatang may ibang lahi.

Sina Dawn at Kris naman ay nakaupo sa buhangin at pinapanood lang ang mga lumalangoy.


Akala ko ba magsuswimming? E bakit parang Life guard ang dating ng dalawang ito?

Si Kris ang unang bumati sa kanya, "Hi, Lea! We're so glad you could join us today. Nag-aalala na kami sa'yo dahil nagkukulong ka sa kwarto mula pa noong dumating tayo dito. Sana nakasama ka kahapon sa pamamasyal sa bayan. Ang daming magagandang products na pwedeng bilhin, mukhang antigo at mamahalin ang dating..."

Blah! Blah! Blah!

Hindi pa lang ako nakakaupo, nagsimula na si Kris na dumaldal. Parang sasakit ang ulo ko nito.

"Hi, best." Nakangiting bati ni Dawn nang sa wakas ay tumigil na si Kris.

Umupo siya sa tabi ni Dawn at tumingin sa kinaroroonan ni Vice. "Where is your boyfriend?" She asked without looking at Dawn.

"Oh, si Robin? I think they went to the other side of the island. Nag kayak sila kanina pero hindi pa sila nakakabalik." Sagot ni Kris.

What?

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon