TAMARAW

1.1K 46 5
                                    

...para po sa nagrerequest ng update.. MikaLeaMercado

✩✩✩

LEA

Huminga siya ng malalim pagpasok niya sa kanyang silid.

"Nakakadrain talaga ang antipatikong lalaking iyon." Nanggigigil na sabi sabay napaupo sa kanyang kama.

Ilang segundo siyang nakatulala ng biglang may kumatok sa kanyang pinto.

"Bukas yan Manang Aida", sabi niya sa mag-aakalang ang kanyang yaya ang kumakatok. Malamang na mag uusisa ito sa relasyon nilang mag asawa.

Ngunit ng bumukas ang pinto, ang nakangising mukha ni Aga ang inuluwa niyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Dagli siyang napatayo at hinawakan ang seradura ng pinto at akmang isasara ito.

"Sabi ni Manang Aida, dito na ako magpalipas ng gabi kasi mayroong nabaril noong isang araw diyan sa labas ng subdivision. Alangan namang tumanggi ako at saka sabi niya, mag asawa naman daw tayo at walang masama kung dumito muna ako." Paliwanag nito.

"E di sana nagpalusot ka." Sabi niya.

"Hindi na. Tama naman siya, ang dami kayang adik ngayon, buti pa si Manang Aida may care sa akin kahit estranghero lang ako, e ikaw, kababata mo ako, kaklase noong high school, boyfriend mo ng ilang taon at ngayon asawa na ngunit wala ka pang pinapakitang pagmamalasakit sa akin." Tila nagtatampong sabi nito.

"Talagang wala! at excuse me, hindi kita naging boyfriend. Naging asawa mo lang ako dahil sa kalokohang ginawa mo." Asik niya.

"Papapasukin mo ba ako o kailangan ko pang ipagsabi kay Manang Aida na ayaw mo akong papasukin sa kwarto natin?" Seryosong sabi nito.


"At ang kapal din talaga ng mukha mo ano?" Nanunuyang sabi niya.

"Matagal na." Nakangising sagot nito. "At saka sanay na akong tawagin mo ng kung ano anong nakakasakit na salita kaya wala nang epekto sa akin."


Kahit labag sa kalooban niya ay pinapasok na rin niya ang asawa sa kanyang kwarto.

Umupo ito kanyang silya at mataman siyang tiningnan. Nakangiti ito kaya kusang napaikot ang kanyang mga mata. Siguradong may kalokohan na naman itong iniisip.

Dahil alam niyang wala itong dalang pantulog, kinuha niya sa kanyang dressing area ang isang pares ng pajamang panlalake saka inabot sa kanya.

Napakunot ito ng noo.

"Saan galing yan?", tanong nito.

Nawala na kanyang pagiging laid back at halatang dumilim ang anyo nito.


"Bakit mayroon kang ganyan? Nagpapapasok ka dito ng lalaki?" Maang na tanong nito.

Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Nagseselos ka ba?" Tanong niya.

Hindi ito makasagot.

"Hindi ko isusuot yan. Malay ko ba kung anong sakit sa katawan ang gumamit niyan."

Ngalingaling batukan niya ito.


"Kung ayaw mong isuot ito, matulog ka sa sofa. Kapapalit ko lang ng bed linen, ayokong madumihan kaagad ng marumi mong kasuotan, malay ko ba kung saan saan ka nagsusuot bago ka pumunta dito." Sabi na lang niya saka inayos na ang kanyang kama para makatulog na rin siya.


"Ay tabi tayo? Sabi ko nga isusuot ko na to," sabi nito sabay hablot sa pantulog na inaabot niya kanina.

Akmang maghuhubad ito sa harapan niya ng bigla siyang napasinghap sa pagkagulat.

"Doon ka sa banyo magpalit." Utos niya dito.

Napangisi na naman ito ng nakakaloko pero tumalima naman. Napahawak siya sa kanyang dibdib, ewan ba niya kung bakit biglang ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Paglabas ni Aga sa banyo, saktong saktong ang damit sa kanya.

Walang imik itong humiga sa kanyang kama, nakasandal siya sa headboard habang tinitingnan niya ito na nakahiga at nakapikit sa kanyang tabi.

Queen size lang ang kanyang bed, at dahil na rin sa laki ng katawan nito ay ramdam niya ang body heat ni Aga.

Batid niyang napilitan lang itong isuot ang pantulog na yun pero hindi niya sasabihin ang tunay na kwento ng pajamang iyon.

Pinatay na niya ang bedside lamp at humiga na rin.

Tulog na si Aga base sa paghinga nito. Hindi niya alam kung anong ginawa nito maghapon o kung nasa meeting ito ng tawagan niya o di kaya napagod ito sa trabaho kaya mabilis itong nakatulog,medyo naantig din ang kanyang damdamin.

At ewan ba niya kung bakit hindi niya mautusan ang sarili na wag tumabi dito.

✩✩✩


Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon