FIAT

1.2K 57 9
                                    

LEA SALONGA-MUHLACH

Five days ago since the last time they saw each other and she misses him more than she could admit.

She didn't bother calling him pero everytime na tutunog ang cellphone niya ay dali dali niyang tinitingnan hoping na si Aga ang tumatawag o nagtext.

She sighed deeply when she glanced at the clock.

Alas singko na naman. Uwian na.

Kanina pa siya nakahandang umalis pero hindi siya tumatayo sa kanyang kinauupuan dahil nalaman niyang nasa gym ngayon ang asawa niya.

"Lei, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Dawn nang mapadaan ito sa office niya.

"May tinatapos pa ako." Agad na sagot niya.

Napakunot-noo naman si Dawn at iginala ang paningin sa kabuuan ng opisina niya.

"You're all set. Anong gagawin ang sinasabi mo? Magpakatotoo ka nga, hinihintay mo si Aga noh?" Tudyo nito.

"Tara na." Sabi na lang niya para tumigil na ito.

"Talagang tara na kasi hindi mo na mahihintay na pupunta yun dito. Nagmamadali siyang umalis kanina, nakasalubong ko sa may hallway."




Her heart sank.




Pero hindi niya pinahalata.



》》》

Dahil sinadya niyang hindi magpahatid sundo sa araw na yun ay si Dawn na ang naghatid sa kanya pauwi.




Iniisip kasi niya na baka susunduin siya ni Aga pero ang bagsak niya, nganga.



Pero laking gulat niya ng makita ang nakaparadang Land Rover sa harap ng bahay nila.

Pambihira namang lalaki ito, nauna pa itong nakarating sa bahay niya. At pupunta rin pala ito dito ay hindi man lang nagprisintang isabay siya sa pag-uwi.






Pagpasok niya sa loob ng bahay ay sinalubong na siya agad ni Donna.




"Kaninong sasakyan ang nasa labas?" Maang maangan na tanong niya.




"Kay Sir Aga po. Diba yan din po ang kadalasang gamit niya? Hala, Ulyanin na po ba kayo Ma'am?" Tanong nito.




Wait...what? Did she just say Ulyanin?





"Ako? Ulyanin? E kung sesantehin kaya kita?" Pananakot niya.




"Kayo naman Ma'am, biro lang po yun." Sabi nito.



Okay na sana ang lahat pero dinagdagan pa nito ang mga sinabi, "Pero nag-aalala na ako sa inyo Ma'am, masyado na kayong makakalimutin, una hindi niyo na matandaan kung saan saan niyo nilalagay ang mga kagamitan niyo, pangalawa, nakalimutan niyong may pupuntahan kayong kliyente noong nakaraang linggo, pangatlo--"



"Hindi ka pa ba talaga titigil? Sige, ituloy mo yang pangatlo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakaabot sa pang-apat." Pagbabanta niya.




Nakakahighblood lang.




"Sorry po." Hinging paumanhin ni Donna saka dali daling umalis.



Pero lumingon din agad mga ilang talampakan lang ang layo sa kanya.



"Pa---"




"Wag na wag kang magkakamaling sabihing pangatlo o pang-apat yan."



"Ma'am, ang gusto ko lang pong sabihin, PA-tingin na po kayo sa doctor kasi baka malala na po ang sakit niyo."





'My God! Nahawa na ata ito kay Muhlach'




"Anong sakit?" Biglang may nagtanong mula sa likuran niya.






Her heart seemed to stop beating.





Nakalimutan niyang nasa loob nga pala ng pamamahay nila ang asawa niya.




"Aga, what are you doing here?" She asked when she finally faced him.



May mga stubbles na ito, at yung buhok niya medyo makapal na.


He looked tired pero kahit ganun hindi nakabawas sa kagwapuhan niya.

Ano ba, Lea. Stop thinking like that. Kailan pa nagin gwapo sa paningin mo si Muhlach?

"Sinusundo ka. Uuwi na tayo sa condo. Tama na ang limang araw na bakasyon." Walang ka amor amor na sabi nito.



Napahalukipkip siya.
"At sinong maysabing nagbabakasyon ako dito? This is my home."



"Sige. Kung yan ang desisyon mo. Dito na rin ako titira." Sabi nito.


Her right brow raised involuntarily. "At bakit? Hindi mo naman tahanan to a."




"You are my home." Seryosong saad nito.



Her heart fluttered, "No, I'm not."

"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin at paniwalaan. Basta kung nasaan ka, doon din ako."



"Aga, we can't go on like this forever. We both know that at some point, we'll go our separate ways."



"No, we won't. Dahil hindi hindi na kita pakakawalan. You're stuck with me til death do us part." He said smirking at her.

"Muhlach, sumunod ka sa usapan. Hindi ito ang agreement natin." giit niya pero parang walang naririnig na umakyat ito sa hagdan.




Sinundan naman niya.


He feels so at home na parang sa kanya ang bahay na ito.




"Matutulog muna ako saglit. Gisingin mo na lang ako kapag kakain na." Sabi niya.



"Ginawa mo pa akong utusan sa sarili kong pamamahay. Wala na talagang natitirang kahit katiting na hiya sa katawan mo." Galit niyang sabi.


He ignored her.


"Pagod ako, Babes. Kaya pwede bang mamaya ka na tumalak? Tulog muna ako, okay?" Sabi niya tapos naihiga na at pumikit. Inangkin na talaga ang kanyang kama.



"Bastos! Parang walang pinag-aralan. Daig mo pa ang isang batang hindi makausap ng matino. Napaka-immature mo!" Sabi niya saka tumalikod at lumabas na ng silid.




Hindi siya makapaniwala na ganito ang magiging eksena nila pagkatapos ng limang araw na walang komunikasyon.





Sobra siyang naiinis pero deep inside her ay may konting galak dahil sa wakas ay balik na naman sila sa dati.

☆☆☆

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now