MERCEDES-BENZ

1.2K 46 9
                                    

✩✩✩

Dahil wala na siyang ibang maisip na paraan para makontak si Aga, napilitan siyang tawagan si Dawn at sabihin ang problema.

"Sandali lang Lei, itatanong ko kay Chard.", sabi ng kaibigan. Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang telepono at agad niya itong inangat. Akala niya si Dawn ang tumatawag ngunit boses lalaki ang sumagot sa kabilang linya.

"Nasaan na ang mga folders ko?", maang na tanong niya.

"Nasa kotse ko.", walang anumang sagot ni Aga.

"Pakidala sa opisina ko ang mga 'yon ngayon din mismo." utos niya.

"Kung makapag-utos ka naman, talo mo pa ang reyna. Akala ko ba ayaw mo akong makita?" sabi nito.

"Kailangan ko ang mga 'yon kaya nakikiusap ako sa'yo na pakidala ang mga 'yon sa office ko.", inis na turan niya.

"Ganyan ka pala makiusap Madam Principal. Well. Ayoko. A-yo-ko!"

"Ano?"

"Narinig mo ako, sabi ko AYOKO!"

"Hindi ako nakikipaglaro sa'yo."

"Ako rin. Ibibigay ko lang ang mga 'yon sa isang kondisyon."

Bigla siyang natigilan at kinabahan. Malamang hindi kaaya-ayang deal na naman ang gusto ng lalaki.

"At ano naman 'yon?"

"Pakakasal ka sa akin."

"Sinasabi ko na nga ba, kahit kailan puro ka kalokohan.", asik niya. "At isa pa, bakit mo sinabi sa mga kasama ko dito sa bahay na mag-asawa tayo?"

"Wala namang naging problema, tanggap nila ako. Mukhang ang saya saya pa nga nila ng malamang may asawa ka na.", kahit hindi niya nakikita ang kausap alam niyang abot-tainga ang pagkakangiti nito at nababakas din sa boses nito ang amusement.

"Hindi ako pumapayag sa kondisyon mo. Kung ayaw mong ibigay, e di huwag.", ibinagsak niya ang telepono saka tinungo na ang garahe.

"Ma'am, coding po ang isang kotse. 'Yong ginagamit ninyo pong pulang honda ang maaaring makabyahe ngayon.", imporma ni Jun, ang isang driver nila.

Oo nga pala, nasa parking lot ng paaralan ang kotse niya dahil ang sasakyan ni Aga ang ginamit nila kagabi.

"Magcocommute na lang ako."

Inis na inis siya ng makarating sa paaralan.

"Lei? Ano na?", tanong agad ni Dawn ng puntahan siya ng kaibigan sa kanyang opisina.

"Tulungan mo akong gumawa ng bago, may oras pa.", sagot niya.

"Ano? Hindi ganun kadali 'yon. Ilang buwan nating ginawa 'yon. Ano ba kasi ang nangyari, akala ko ba na kay Aga ang mga iyon."

"Oo nasa kanya at ang hambog na lalaking 'yon ayaw ibalik."

"Tatawagan ko si Chard.", mungkahi ni Dawn.

"Dawn, 'wag na. Hindi rin papayag ang walanghiyang taong 'yon kung hindi ako papayag sa kasunduang sinasabi niya.", sabi niya.

"Anong kasunduan?", curious na tanong ni Dawn.

"Magpapakasal daw ako sa kanya."

"Ay talaga? Bakit ayaw mong pumayag?"

Tinignan niya ito ng matalim. "Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para maging asawa ng bastos na lalaking 'yon."

"Hmmmmnnn.. Ganun? Sige, paano ngayon yan, two hours from now darating na si Mr. Tien. Alalahanin mo, mahalagang investor natin 'yon. Malaki ang magagawa niyang tulong sa school para sa expansion abroad."

"Wala na akong pakialam. Tutal pag-aari naman ng pamilya ni Muhlach ang paaralang ito. Kung tatanungin ako ni Lola Annabelle, sasabihin ko ang totoo."

"Okay, bahala ka. Tutal ikaw din naman ang makikiharap kay Mr. Tien diba, so good luck na lang."

Mahigit isang oras pa bago ang nakatakdang appointment nila ni Mr. Tien ngunit lalong hindi siya mapakali. Napakalaking project ang pag-uusapan nila ng Chinese investor na iyon at malaki din ang expectation sa kanya ng board of trustees ng paaralan maging ang mga may-ari nito, lalong lalo na si Donya Annabelle Muhlach.

Dahil sa desperation, tinawagan niya si Aga.

"Yes?", masiglang tanong ng nasa kabilang linya.


"Muhlach?", tanong niya para masiguradong si Aga nga talaga ang may-ari ng number na 'yon kahit kabisado na niya ang tinig na bumungad sa kanya.


"LEA?", hindi makapaniwalang tanong din ng binata. "Napatawag ka. Miss mo na ako agad?"

"Pakidala dito sa school ang mga folders ko, please.", malumanay niyang sabi.


"Hmmmn.. Pumapayag ka na sa kondisyon ko?"


"Napakabigat ng hinihiling mo. Iba na lang at kahit ayaw ko pagbibigyan kita, wag lang ang magpakasal."


"Okay. How about..hhmmmnnn.. give me a son."


"What? Never!" tanggi niya.


"Akala ko ba kahit ano 'wag lang magpakasal? Oh e di sige kung ayaw mo po, Have a good day na lang Miss Salonga."

"Teka lang.", mabilis niyang sabi dahil mukhang maghahang-up na ito. Sa mahinahong tinig, "Aga, please. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Please.."

"Okay, ganito na lang. Magpanggap kang misis ko."

"Ayokong manloko ng tao Muhlach. At saka pareho din yan ng naunang deal mo."

"Teka nga, tingin ko wala ka sa posisyon para magdemand Madam Principal."

Napabuntong-hininga siya ng malalim at sinipat ang wrist watch. Wala nang oras.

"Fine. Gusto mo akong maging asawa. Sige, deal. Dalhin mo na ngayon din ang mga files ko dahil kailangang kailangan ko na 'yon ngayon.", asik niya saka pinatay ang cellphone bago pa magbago ang isip niya.

Wala pang sampung minuto ay nasa office na niya ang magaling na lalaki.

"Good morning!", nakangising bati nito sa kanya.

"Nasaan na?", agad niyang tanong at hindi na pinuna kung bakit ang bilis nitong makarating sa opisina niya.

"Eto na o.", sabi ni Aga at inilapag ang mga dala dala.

"Kulang ito, nasaan 'yong iba?"

Iwinagayway ni Aga ang dalawang folders sa harapan niya.
"Bago ko ito ibigay sa'yo, sisiguraduhin ko lang na tutupad ka sa usapan. Pirmahan mo ito.", sabay abot sa kanya ang isa pang folder.

"Marriage contract?" maang na tanong niya. "Unbelievable."

"Did you really think for a second na hindi totohanan lahat ng mga pinagsasabi ko sa'yo?"

"Pirmado na rin ito ng hukom? Tanging ang pirma ko na lang ang kulang. This is illegal."

"It will be legal once you sign the paper. Are you going back on your word now?"


Alam niyang pino-provoke siya ng kaharap para pirmahan ang papel na 'yon pero dahil hinihingi ng pagkakataon kailangan din niyang makaisip ng mga bagay na maaari niyang pakinabangan.

"I want a pre-nuptial agreement." she demanded.

"Let's do that later. I promise I will honor whatever you want out of this marriage."

"Kaya nga pre, dahil mauuna ang kasunduan na 'yon kaysa sa kasal."

"Just sign it, will you? Para makapagprepare ka na sa meeting mo."

With pursed lips and angry thoughts and hesitant heart, she signed the marriage contract. She had never done anything so impulsive in her entire life.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon