ACURA

1.2K 48 15
                                    

✩✩✩

LEA SALONGA-MUHLACH


Pigil na pigil ang kanyang tawa sa sinabi ni Aga.


Ang corny ha! Sobra! Haha..



Now and forever?


What happens to Temporary?

"Libre ang kiligin, Babes." Sabi pa nito sabay kindat sa kanya.

Pero aminin man niya o hindi, kinilig nga siya sa banat nito.

Pinilit niyang kalmahin ang nagririgodon niyang puso.


Tumikhim muna siya para hindi mahalata sa boses niya ang tunay niyang nararamdaman.

"Para sa karagdagang kaaalaman, wala pong FOREVER." Sabi niya.

"O sige. What about eternity?"


"Kahit infinity or eternity and beyond pa, hanggang pangarap na lang yun, Muhlach. Dahil ang pagsasama nating ito ay pansamantala lamang. Ibig sabihin, may ending."


"Talagang may ending..Happy ending." Nakangiting sagot nito.


Aba't talaga yatang inuubos nito ang pasensya ko.


Parang lahat na lang yata ng sasabihin niya ay nakahanda nang isasagot.

"Isa pang salita ang manggagaling sayo at lalayasan na talaga kita."

He mouthed, "okay."

●●●

AGA MUHLACH

Kinabukasan..


"Akala ko ba may seminar? E bakit parang magbabakasyon ka?" Tanong niya habang pinapanood si Lea na dala dala ang dalawang malalaking travelling bag.

Tinulungan naman niya ang asawa at inilgay sa compartment ang nga bag nito.

"Bakit sinabi ko bang aattend ako ng seminar? Tapos na kaya ang school year at magbabakasyon ako." Sagot ni Lea.



Bakasyon?


"Ha? Bakit hindi mo sinabi agad? e di sana nakapagdala ako ng maisusuot."


"Saglit nga lang. Ang sabi ko magbabakasyon ako, hindi ko sinabing kasama ka."


"Bakit sinabi ko bang makikiride on ako sa bakasyon mo? Wag ka ngang assuming..On vacation din kaya ako."


Tumaas ang isang kilay nito.
"Saan naman?"


"Sa pupuntahan mo." Agad niyang sagot.


"Wag mo akong pinagloloko, Muhlach. Kaya nga ako magbabakasyon para makalayo naman sa'yo kahit ilang araw lang tapos makikisabay ka sa akin?."


"Bakit mo ako lalayuan? May sakit ba akong nakakahawa?"


"Bakit wala ba?" Sasagot na sana siya ng magsalita ulit ito. "Ang sinasabi ko lang, gusto kong mapag-isa. Kaya pwede ba, makisama ka."


Possibilities [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora