ASTON MARTIN

1.2K 51 21
                                    

LEA


Malinis.

Yun ang tanging description niya sa condo unit ni Aga. Halatang pang bachelor ang pad na yun dahil na rin sa simpleng gayak. Ngunit halatang mamahalin ang mga gamit doon.

Moderno ang style ng mga decoration at hindi niya sigurado kung sino ang nagdesign niyon.

Pumasok siya sa kusina. Tulad ng sa living area, malinis din at parang hindi nagagamit ang mga kagamitan doon.

"It's only been two weeks since I arrived from California. Ngayon lang ulit ako bumalik dito. Ipinalinis ko na ito pero hindi pa ako nag stay dito ng isang gabi. So wala pang laman."

Hindi siya umimik.


"Nagpagrocery ako kanina kaya I think may laman na ang ref."

Tinungo naman niya ang refrigerator at nakitang may pack ng meat, veggies at pineapple and lemon juice. Mayroon din carton ng fresh milk, a dozen eggs, bacon, iba't ibang klaseng prutas at mayroon ding cheese and butter.


"I think I could whip up something for dinner.", aniya at nagsimulang ilabas ang mga iluluto.


Kung lumingon lang siya, nakita sana niya ang nakangiting mukha ni Aga.

Ang daming kwento ng asawa niya habang kumakain sila, nakikinig lang siya sa mga sinasabi nito kahit ang ilan ay hindi siya makarelate dahil hindi magkapareho ang hilig nila.


"I think Diam likes you a lot. When he learned that we are a couple, siya ang unang taong bumati saken na tuwang tuwa. I mean, mom and gran are happy pero hindi hundred percent ang happiness nila because all they are expecting is that you will be married to Ed."


"So what do you expect me to say when they would asked what happened between us?" Kinakabahan na talaga siya na nalalapit na family dinner ng mga Muhlach. Hindi siya handang humarap sa mga ito.


"We fell in love."

"That's not true."

"Alangan namang sabihin nating pinikot mo ako.", nagbibirong sabi nito.

"Sinong maniniwala sa'yo? Magseryoso ka naman, okay?"

"Alright, let's just say, matagal na tayong may gusto sa isa't isa kaya lang naudlot ang pagtitinginan natin noong umalis ako and then narekindle noong bumalik ako kaya hindi na tayo nag aksaya pa nang panahon so nagpakasal tayo agad na wala man lang pasabi."



"Bahala ka sa kwento mo. Ikaw ang magsabi niyan dahil hindi ko maatim na masabi yan sa harap ng pamilya mo lalo pa at ni walang halong katotohanan ang mga pinagsasabi mo."


"Okay. Ako na lang bahalang magkwento. Just go with it and we'll be fine." He winked.


Matapos nilang kumain ay nagprinsintang maghugas nang pinagkainan nila si Aga kaya siya naman ay nagtungo sa kwarto at nag-ayos ng gamit.


Inilagay na niya sa aparador ang kanyang mga dami. Kaunti lang naman ang laman ng maletang pinaglagyan ng kanyang gamit pero kompleto iyon ng laman maging ang mga pang night rituals niya.


Kinuha naman niya ang mga iyon at inilagay sa banyo.


Pagkatapos niyang maghugas ng katawan ay nadatnan niyang nakasalampak na sa king size bed ang asawa at nanonood ng wrestling.


"That explains your violent behavior.", puna niya.

"Anong violent? Nanood lang ng wrestling, violent na agad?"


"Bakit hindi ba? Bayolente ka naman talaga a. Tandang tanda ko pa noong ipinatawag kayo sa Guidance Counselor dahil sa ginawa niyong pakikipag away sa grupo ni Castillo."


"Masyado kasing maangas e."

"Ang sabihin mo, talagang naghahanap lang kayo ng gulo. Bakit niyo nga pala inaway ang mga iyon noon, palagay ko naman hindi kayo pagkakainteresang awayin."


"Sila ang sumira sa booth niyo noong science fare. May gusto 'yon kay Dominique Alleje kaya pumayag siya noong utusan siya ni Nikki na sirain ang pinaghirapan naming ayusin."


Napatigil naman siya sa narinig.


"May pruweba ba kayo na sila ang gumawa non?"

"Oo. Narinig namin mismo na pinag uusapan nila."


Naantig naman ang puso niya sa narinig.


"Teka lang, sabi mo pinaghirapan niyong ayusin?"

"Oo, kami ang nag ayos ng booth ninyo kasi hindi naman maasahan ang kagrupo mo e. Puro lampa. Ganun ba talaga ang mga nerd?"


Hindi niya alam ang tungkol doon. Ang alam lang niya, may mga kaklase sila na tumulong maayos ang booth nila, yun pala ang grupo ni Aga ang gumawa nun. Humanga pa siya sa ganda pero kinaumagahan nasira ito at hindi nila alam kung sino ang sumira.


Hindi pala niya lubos na kilala ang asawa. Tanging ang mga bagay lang na gustong paniwalaan ang pinaniniwalaan niya at hindi na niya nakita ang mga magagandang gawain niya.



"Thank you.", mahinang sabi niya.



"Ano yun? Pakiulit."


"Ang sabi ko salamat."

"Kiss ko?"

Nagsimula na naman siyang pabilisin ang heartbeat ko.
"Ikaw tigil tigilan mo ako sa mga pagpapakyut mo dahil hindi uubra sa akin yan."

"Mamahalin mo rin ako."

"You wish."

Napatawa na lang ito sa sinabi niya.


"Doon ka sa kabila matulog." Sabi niya nang hindi pa ito tumitinag.

"Ha? Ayoko nga. Magulo doon at saka ang lawak lawak naman nitong higaan palalayasin mo pa ako." Nagmamaktol na sabi niya.

"Behave."

"Promise."

Napabuntong hininga na lang siya at humiga na. Pinatay naman na nito ang tv at ang main light saka binuksan ang dim light. Sa bedside table nito.


Pinipilit niyang matulog ngunit hindi niya magawa dahil aware na aware siya sa presensya ng asawa.


Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagdantay ng isang matipunong braso nito sa baywang niya.


"Di ba sabi mo magbebehave ka?"

"Wala naman akong ginagawa a. Saka masanay ka na dahil habang buhay mo na akong makakasama sa pagtulog."

"Aga, we agreed that this arrangement is temporary. Huwag mong sanayin ang sarili mo."


"Bakit hindi na lang gawing forever?" Sagot nito sa sinabi niya.

"Because of one simple fact. It won't work."

"Paano mo naman nasabing it won't work? Hindi pa natin sinusubukan."


"First, we are very different people, second, I hate your guts and lastly but most importantly, we don't love each other. We are only together because of one purpose and one purpose only and that is for each other's convenience. So please, let go."


Matagal itong hindi umimik pero hindi ito tuminag.

"This is just temporary, Aga. Don't forget that." Bulong niya.

"Ok. Temporary. So please let me enjoy the moment while it lasts." Mahinang usal ng asawa. Napabuntong hininga na lang siya at hindi na siya nagpumiglas ng hapitin siya nito lalo palapit sa katawan nito.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ