BENTLEY

1.1K 59 29
                                    

AGA MUHLACH

"Lea?" Nag-aalangan na tanong niya habang nakatayo sa labas ng pinto ng silid ng asawa.

Mula pag-uwi nila noong isang araw ay halos hindi na siya kinakausap ni Lea. Kaya ngayon hindi na siya nakatiis.

"Lea? Tulog ka na?" Tanong niya ulit saka kumatok ng ilang beses.

Ngunit ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ay wala pa ring sagot mula kay Lea.


Pinihit niya ang doorknob at napagtanto niyang hindi pala yun nakalock.


Akalain mo yun, magsasampung minuto na akong nakatayo dito sa labas tapos hindi naman pala nakalock..



Itinulak niya ang pinto ng dahan dahan at sumilip.





Walang tao sa loob.




Nasaan yun?





Sa sobrang pagtataka ay pumasok na siya sa loob ng kwarto nang walang pahintulot at iginala ang paningin sa paligid.




Pagkasara niya ng pinto ay saktong pagbukas naman ng pinto ng banyo at iniluwa niyon si Lea na nakatapis lang ng twalya.




"Aaahhh!!!" Sigaw ni Lea pagkakita sa kanya.




Nagulantang naman siya sa pagsigaw nito kaya dali dali niya itong nilapitan at tinakpan ang bibig nito gamit ang kanyang kamay.


When recognition hit her, itinulak siya ni Lea palayo.


"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ng asawa.


Hindi siya nakasagot agad dahil sa pagkabigla din dulot ng pagsigaw nito.


"Siguro sinisilipan mo ako noh?" Bintang nito at nakaturo pa ang hintuturo nito sa kanya.

Ha? Ano daw?



"Wow." Sabi niya saka sinadyang titigan ang kabuuan nito para lalong inisin si Lea.

Narealize ata niyang tanging ang towel lang ang tumatakip sa kanyang katawan kaya bigla niyang hinila ang bathrobe na naka nakapatong sa isang silya at agad na isinuot.

"May balak kang masama sa akin noh?" Bintang pa nito.

At hindi na niya mapigilan ang ngiti na kanina pa niya pinipigilan.

Pero nag-iba din agad ang mood niya.

"Kung pagsasamantalahan kita. Matagal ko nang ginawa." Seryosong sagot niya. "Pero kahit gusto ko hindi ko gagawin yun kasi inaantay kong kusa kang bibigay."



"Bastos ka talaga kahit kailan. Ito ang tatandaan mo, kahit magunaw ang mundo hinding hindi mangyayari ang iniisip mo." Sabi nito.


Nagkibit balikat siya. "Tingnan natin."



Medyo nag-iba naman ang aura nito. "E bakit ka ba nandito?"


"Makikitulog." Simpleng sagot niya.



"At bakit ka makikitulog?" Maang na tanong nito. "May sarili ka na mang kwarto."


"Oo meron, pero, bakit masama bang makitulog dito?"



"Oo, masama dahil hindi kita gustong katabi. At saka napag-usapan na natin to. Paulit ulit na lang ba tayo?"



"Gusto nga kitang makatabi. Aalis ka bukas, diba?" Tanong niya.


Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now