BUGATTI

1.2K 45 6
                                    

For kimmcodilla - Kwentong pyjama.
😊

✩✩✩

LEA


Alas sais ng umaga ng magising siya at napasapo na lang siya sa kanyang noo na mamulatan niyang nakakulong siya bisig ng nag iisang Aga Muhlach.


Dahan dahan niyang inalis ang braso nito na nakapulupot sa kanyang bewang at ang isang binti nito na nakadantay sa kanyang hita.


(A/N: eksenang Parent Trap lang, sensya hindi ako makamove on..)

Dali dali niyang inayos ang kanyang sarili saka lumabas sa kwarto, ayaw niyang makita siya nito sa kanyang bagong gising na anyo.

...

Kasalukuyang naghahanda si Manang Aida kasama si Donna ng almusal nang datnan niya ang mga ito sa komedor.

"Magandang umaga." Nanghihinang bati niya.

"Magandang umaga din po ma'am", bati ni Donna.

"Kumusta ang tulog mo?", tanong ni Manang Aida. "Mukhang di ka nakatulog." Makahulugang puna nito.


"Pagod at puyat lang po ito."

"O siya, ipagtitimpla kita ng kape."

"Ako na lang po, ipagpatuloy niyo na lang po yang ginagawa niyo", maagap niyang pagtanggi.


Umupo siya habang pinapanood niya ang mga ito na nagluluto at iyon ang naging pagkakamali niya dahil nagsimulang mag usisa ang kanyang butihing yaya.

"Si Sir Aga pala, hija?"

"Tulog pa po." Tipid niyang sagot.

"Naku ma'am, may kapatid pa po bang lalaki si sir? Baka pwedeng mabingwit, ang gwapo kasi talaga niya." Kinikilig na sabi ni Donna.

"Uy Donna, yang sinangag ang asikasuhin mo." Malumanay na sita ni Manang Aida. "Oo nga pala, dito na ba titira ang asawa mo, hija?", tanong nito sa kanya.

"Hindi ho, bubukod na po kami ng tirahan."

"Ay bakit pa, ang laki laki nitong bahay at saka nag iisa ka lang na anak. Minsan minsan lang naman nandirito ang iyong mga magulang. Dumito na lang kayo."

Hindi na siya nakasagot dahil pumasok si Aga sa komedor.
"Good morning po." Masiglang bati nito.

"Good morning po sir," sabay na pagbati nina Manang Aida at Donna.


"Good morning, Babes." Bati nito sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi. Dahil sa gulat,napaigtad siya. Buti na lang di niya nabitawan ang hawak niyang tasa ng kape.


"Hmmmnn.. ang bango naman po niyang niluluto niyo mukhang ang sarap." Nakangiting komento nito.


"Ano pong gusto niyong timpla ng kape sir? Ipagtitimpla ko po kayo." Magiliw na tanong ni Donna.


"Naku, wag na. Salamat pero may kape na ako." Sabi nito sabay kuha sa hawak niyang tasa at uminom.

Napamaang na lang siya sa ginawa nito. Napansin niyang nakatingin si Manang Aida sa kanila at nakangiti ito, halatang tuwang tuwa.

Saka niya narealize na sout ni Aga ang pantulog na binigay niya kagabi.


"Naku anak, natutuwa ako para sa iyo." Sabi kanyang yaya. "Alam mo ba iho ang kwento ng sout mong pantulog ngayon?", baling nito kay Aga.


"Hindi po. Ano po ba ang tungkol dito?" Curious na tanong ni Aga.

Gusto niyang pigilan ang susunod na sasabihin ng yaya niya pero parang naumid ang kanyang dila.

"Noong nasa college pa ang asawa mo, bumili siya ng isang pares na damit pantulog na panlalaki. Eighteen years old siya noon, araw mismo ng kanyang kaarawan, ang sabi niya noon, ibibigay lang niya ang damit na iyon sa lalaking kanyang mapapangasawa at makakasama habang buhay." Mahabang paliwanag ni Manang Aida. "At dahil sout mo yan ngayon, ibig sabihin, ikaw talaga ang lalaking hinihintay niya na makakasama niya habang buhay."


Napatungo na lamang siya para ikubli ang nangungulay rosas niyang pisngi.


Ramdam niyang nakatingin sa kanya si Aga, buti na lang nakaupo siya at nakatayo ito sa kanyang tabi kaya hindi nakita ang kanyang mukha.


"O siya, bahala na ang asawa mo na ituloy ang kwento. Kumain na kayo."

Nakakailang na agahan ang namayani sa kanila. Walang imik ang kanyang asawa habang kumakain sila. Ayaw din naman niyang basagin ang katahimikan sa pagitan nila kaya nagmadali na lang siyang kumain.

...

Tapos na siyang maligo at magbihis ng pumasok ito sa kwarto.

Hindi niya ito pinansin, itinuloy na lang niyang ayusin ang kanyang gamit.

"Ihahatid kita at susunduin." Sabi nito.


"Hindi ako bata."

"Kahit na. I just want to return the favor."

"Anong pabor?"


"You signed the papers eventhough you don't want to. Truth is, I needed a wife to gain the full trust of my prospective investors. You're there when that happens so I thought it has to be you. I took it as a sign that you are the most suitable for that and I did everything to get you."
Napamaang na pang siya sa mga pinagkukumpisal nito sa kanya.

"Noong sinabi ni Manang Aida ang tungkol dito sa suot ko ngayon, I felt ashamed and guilty at same time. Because this was meant to be for the man that will take care of you, the man who will share your happiness and even your sorrows. I know that I wasn't on your mind when you were buying this. And I also do know that you would have never given me this with a pure heart and with the right intention. So I'm sorry."

Mahabang katahimikan.

Hindi niya halos mapaniwalaan ang kanyang narinig. Mula sa umpisa pa lang, alam na niyang marami itong kalokohan. Expected na niya na mayroong ganitong confession pero ang hindi niya mapaniwalaan ay ang paghingi nito ng sorry.

Mula pa noong high school sila, first year hanggang graduation, walang humpay ang kasutilan nito sa kanya. Sa dami ng naging atraso nito sa kanya ay ni minsan hindi niya ito naringgan ng paumanhin.

"Really Muhlach? I'm starting to think you got jinxed." Nakangising sabi niya.

"For once Wifey, believe me when I say Sorry. I really meant it." Seryosong sabi nito.

"Forget it, it's just a piece of clothing. At kung ano man ang intended use sana yang suot mo ay isang katuwaan lang ng isang eighteen year old. It's nothing."

"Hindi ka galit?"

"Hindi ako galit ngayon. Don't get me wrong Muhlach. Hindi pa kita napapatawad sa mga ginawa mo sa akin noong high school. At yung paghalik mo sa akin kanina sa komedor."

"Dampi na nga lang yun. Sa pisngi pa, hindi yun considered as a kiss. Iba ang definition ko dun."

"Ewan ko sayo, kung ihahatid mo ako, maligo ka na." Medyo inis na litanya niya.

"Wala akong pamalit e. Baka may itinatago ka pang damit panlalake dyan?"


"Hindi po ito Department Store sir." Asik niya.


"Nagtatanong lang naman."

Pumasok ito sa banyo ngunit hindi na niya inantay ang paglabas nito.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon