LEXUS

1.2K 55 9
                                    


DAWN ZULUETA



Kanina pa hindi mapakali si Dawn sa kanyang kinatatayuan at manaka nakang tumitingin sa Entrance ng venue nila. Mag aalas syete na kasi at hindi pa dumarating ang kaibigan niya.



"Nasaan na ba kasi 'yon?", pabulong bulong sa sabi niya sa sarili.


"Dawn!", tawag ng isang kaklase nila noong high school, si Shirley.


"Hindi ko lubos akalain na seseryosohin ninyo ni Maria Lea ang maging teacher. Look at you, teacher na teacher na talaga ang dating."

"Thank you, and you look so great. I heard you're into real estate business. How is it going?"


Magsasalita pa sana ang kanyang dating kaklase ng bigla na namang may tumawag sa kanya.


"DAWN!"



Sabay silang napalingon ni Shirley. Hindi niya namumukhaan kung sino ang tumawag sa kanya.


"It's Nikki." Sabi ni Shirley. "I'm sorry but I need to get away. Hindi pa rin kami okay ng Dominique Alleje na yan. Excuse me, Dawn." Sabi ni Shirley saka siya iniwan bago pa makaabot sa kanila si Dominique.

"Hi! You probably don't recognize me, Paris has been good to me." Nakangiting sabi nito, tumango na lang siya at tipid na ngumiti. "It's Nikki."


"I know. It's a treat that you could attend this small get together." Polite pa rin na sabi niya kahit gustong gusto na niyan iwan ito.


"Yeah, actually I've been busy but I heard that Aga Muhlach will be here that's why I needed to come. Nagpunta ako sa office nila sa California pero sabi nila nasa Pilipinas na siya. And then some of our classmates contacted me regarding this homecoming."


"Well, welcome."


"Thank you, so by the way, nagconfirm ba si Aga na aattend siya ngayong gabi?"


"Yes. Maybe he is already on his way."


"Great." Maligayang sabi ni Nikki.


'Madidisappoint ka din kapag nalaman mong kasal na ang lalaking gustong gusto mong mabingwit' ngalingaling sabihin niya iyon sa mukha ng kaharap pero nagpigil siya.


"Maiwan muna kita, I think I saw Maria Lea Carmen."


Napatingin siya sa direksyon ng mata ni Dominique at hindi nga ito nagkamali dahil si Lea nga iyon, kausap ang ibang guest na dumalo sa homecoming.


Nakasimpleng black dress lang ito na hakab sa katawan ngunit conservative ang style pero ganun pa man, Lea looks so elegant and regal in her evening attire.


Napangiti siya, mukhang pinaghandaan din ata ng kaibigan niya ang gabing ito. Lalo na at ito ang Principal ng kanilang Alma Mater.


Nakita niyang nakarating na si Dominique sa kinatatayuan ng kaibigan at nakapagbeso beso pa ito. Lea is not the type na makipagplastikan pero civil naman ang kaibigan niya at polite lalo na kapag hinihingi ng pagkakataon.


Anyway, this night would be great if dumating na ang Prince Charming. And speaking of prince charming, hindi pa niya nakikita ang kanyang Chard.

»»»


AGA MUHLACH


Ayaw na sana niyang dumalo sa reunion ng batch nila pero mapilit ang kanyang mga kaibigan. Lalong lalo na si John. Alam nilang noon pa man ay may gusto ang kaibigan nila sa isang kaklase nila pero ang hindi nila alam ay kung sino. Maging si Robin ay ganun din. Tanging siya lang at si Chard ang umamin sa kanikanilang nagugustuhan.


Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon