CHEVROLET

1.1K 54 4
                                    

LEA

Hapon na nang maalala niyang tingnan ang kanyang cellphone.

May tatlong missed calls mula kay Aga at may limang messages siyang natanggap. Tatlo ay galing sa isa niyang kaibigan at ang isa ay mula sa batchmate nila na nagtatanong ng update at ang huli ay mula kay Aga.

May family dinner daw ang pamilya Muhlach sa sabado ng gabi at kailangan daw nilang dumalo.

Dumating na ang kinatatakot niyang mangyari, ang humarap sa pamilya Muhlach bilang asawa ng isang miyembro nito.

Ipinagtataka niya kung bakit hindi siya tinatawag o pinuntahan ni Donya Annabelle mula noong nangyari ang pirmahan nila ni Aga ng marriage certificate.

Sasagutin sana niya ang text nito pero bigla na lang itong tumawag.


"Ayokong pumunta." Agad na sabi niya.

"Hindi pwedeng hindi tayo pumunta. Mula noong sinabi kong kasal tayo gusto ka nilang kausapin ng boung pamilya. Lalong lalo na sina lola at mommy. Pero sinabi ko na wag muna dahil dadalhin kita sa monthly family dinner." Paliwanag nito.



'Kaya pala.'



"Do I have to wear formally?"



"No. Just be yourself."



"I don't think I'm ready. Will your cousin Edward be there too?"


"Yes. Don't worry about Ed. He's the most understanding and gentleman cousin that I have."



"Now I'm regretting na nagpadala ako sa'yo. I should have been married to him by the end of this month." Wala sa sarili na nasabi niya.



"Swerte ka rin naman sa akin a. Gwapo naman ako, maginoo, matalino, mayaman.."



"Mayabang. Isali mo yan sa listahan mo."

"Oo na. So ano, sunduin kita bukas ng gabi. Or better yet, sunduin kita ngayon dyan. Sa condo ko na tayo uuwi."

"Ayoko nga."

"Diba napag-usapan na natin to?"

"O siya sige. Pero kailangan ko munang kumuha ng mga damit ko sa bahay."

"Hindi na. Galing ako doon kanina. Pinag empake ko na si Nanay Aida ng mga damit mo. Dala ko na ngayon."

"Ano? At sino ang nagbigay sayo ng permiso para gawin yun?"

"Wala. Kailangan pa ba? Asawa naman kita at saka pumayag naman si nanay Aida. Sabi niya, siya na ang bahala sa mga damit na dadalhin mo pansamantala. Mabuti na yung ngayon pa lang pinag aaralan mo na ang maging maybahay ko."

Hindi man niya ito kaharap alam niyang nakangisi ito.

"Sige lang Muhlach. Magsaya ka habang may pagkakataon ka pa dahil hindi magtatagal matatapos na rin yang pananaginip mo ng gising."

Tumawa ito ng malakas.

"At ilang ulit ko bang sasabihin na hinding hindi mangyayari 'yon. You're my wife Lea Salonga-Muhlach. Mine and mine alone. Walang pwedeng umagaw sa'yo sakin."

"Baliw ka na talaga, ano?"

"Oo baliw na baliw na sayo."

Dahil sa hindi niya maipaliwanag na nararamdan, pinindot na niya ang end call button ng kanyang cellphone at saka nagsimula nang ayusin ang kanyang gamit.

Nasa kalagitnaan siya ng pagtambak sa mga folders na nakapatong sa kanyang mesa nang may kumatok.

Wala naman siyang inaasahang panauhin. Kung si Dawn rin lang, hindi ito kumakatok at kung si Aga, lalong hindi yun kakatok kaya sino kaya sa mga faculty members ang maghahanap sa kanya sa oras ng uwian lalo na at biyernes ngayon.

Pagbukas niya ng pinto, ang gwapong mukha ng binatilyong si Diamond Gian Muhlach ang nabungaran niya.

"Good afternoon, Ma'am."

"Good afternoon, Gian. What can I do for you?", nakangiting tanong niya sa binatilyo.

"Uhm, I..I've heard the news. I just want to congratulate you ma'am." Sabi nito.

Tumingin siya sa paligid at nang makitang walang nakatingin sa Principal's office dahil puro nagmamadali ang mga estudyante at guro na.makauwi na ay hinila niya papasok ng kanyang opisina si Diamond.

Pinaupo niya ito sa isang silya.

"Wala pang nakakaalam tungkol sa status ko dito maliban sa dalawang guard pero nasabihan ko na sila na wag munang ipagsabi. And I also know that your uncle didn't tell you."

"I heard mom and lola talked about it. I didn't mean to listen but then I heard your name and then they said you are to marry uncle Ed but mom said you are already married to Tito Aga."

"Gian." Napaupo na rin siya sa silya kaharap nito. "It's a family matter, okay. No one should know about this."

"I know, Ma'am."

"Alright, you can call me Tita when no one's around.", she winked at him and the boy smiled brightly.

"Yes, Tita. See you tomorrow?"

"See you tomorrow."

Palabas na ito ng parang may naalala at lumingon sa kanya.

"By the way, Tita, you won't regret marrying Tito Aga instead of Tito Ed. He's the coolest uncle I have. No offense sa iba kong tito, they are all cool but for me, Tito Aga is the best."

Nginitian lang niya ito.

'I don't think so' sabi na lang niya sa loob niya. 'But I'm starting to think he is.'


✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon