KIA

1.1K 47 6
                                    

AGA

Pagkatapos nilang magkwentuhan ng kanyang ina, sumunod naman na pinuntahan niya si Kat Muhlach sa kompanyang pag-aari nito at ang business partner na si Red Montalban.

Pagpasok pa lang niya sa main entrance ng New Tech Company ay sinalubong na siya ng baklang assistant ng pinsan na kung magpatawag ay Sayuri.

"Hello Sir Ags, magandang umaga sa inyo. Ang tagal niyong hindi nakabisita dito." Masiglang bati nito sa kanya. Tumugon naman siya ng ngiti sa masiyahang assistant ng pinsan.

"Hello, Sayuri. Andiyan ba ang amo mong Doktora na di naman nakakagamot?", biro niya rito.

Natawa naman si Sayuri sa biro niya. Katherine is a scientist who happens to have an inkling to high technologies.

"Kayo naman sir, nakakagamot kaya si Dok Kat. Sa katunayan nga, siya lang ang natatanging gamot ng Red Syndrome." Medyo pabulong sna sabi nito at napahagikhik.

Napakunot noo naman siya. First time na kasing marinig yun.

"Anong Red Syndrome?"

"Ano pa nga ba sir, yun ang sakit ng bugnutin ngunit gwapong gwapong demonyitong boss namin." Sabi nito.

Napatawa naman siya sa sinabi nito.

'So that's the story.' Aniya sa sarili.

"But don't tell sir ha kasi lagot ako kapag narinig ni Sir Red."

"Whatever you say is safe with me Sayuri." Kinindatan pa niya ito.

"Salamat Sir, you are really cool.."

"I know. So where is Kat?" Tanong ulit niya nang makarating na sila sa floor kung saan naroon ang Laboratory ng kanyang pinsan.

Bago pa man makasagot si Sayuri ay lumabas mula sa isang silid ang pakay niya. Naka Lab coat at nakamask with matching gloves pa. Kung hindi lang niya alam ang trabaho nito, pagkakamalan talaga niang kagagaling ito sa operating room.

"What brought you here?", agad na tanong nito pagkakita sa kanya.

Si Sayuri ay bigla na lang din naglaho sa tabi niya pagkakitang nasa foul mood ang boss.

"Wala man lang bang 'kumusta'? O kaya ay 'hello'?", maang na tanong niya.

"Wala ako sa mood mag entertain ng bisita ngayon." Sabi nito at humarap sa computer.

"Ano ba ang nangyari at nakabusangot ka? Umagang umaga ay mainit na agad ang ulo mo."

"I'm sorry kuya, puyat lang to. Nag-overnight ako kasi kailangan ma test ang bago naming project before mailaunch mamayang hapon. Anyway, ano pala ang sadya mo dito?".

"I just want to inform you that I'm already a married man."

"Wow. Congratulations." Sabi ng pinsan na wala man lang pagkagulat. Iniisip siguro nito na nagbibiro siya.

"I'm not kidding." Seryosong sabi niya.

"Hay naku kuya, wag mo akong pinagloloko ngayon dahil pagod ako." Sabi nito.

"I'm serious."

Napatigin si Kat sa kanya at nagtitigan sila. Nang marealize ng pinsan na hindi nga siya nagbibiro, saka pa lang ito nagreact.

"Oh my God. Who is this woman who finally replaced Lea's place?"

Napangiti siya sa narinig. Isa si Kat sa mga kaclose niyang pinsan kaya alam ng mga ito ang tungkol sa kahibangan niya kay Lea.

"No one can replace Lea. You might not believe it,but she is my wife now."

Napanganga naman si Kat sa narinig.

"How did that happen? LEA? As in Principal Lea Salonga?"

"Yah. The one and only."

"That's impossible."

"Well, I'm the man who can make the impossible possible." He shrugged and smiled.

"Wow, Congratulations Kuya. I really mean it. Kailan ba ang next family dinner at nang makausap naman siya?"

"Next week. Syempre boung pamilya nandoon, don't tell me na mag oovertime na naman kayo dito kasi I won't accept it. Ipapakilala ko na si Lea formally sa pamilya kaya dapat nandoon ka."

"Speaking of ipapakilala, you mean to say, no one in the family attended your wedding? Masyado mo naman yatang inilihim ang tungkol dito at pati ako ay nakalimutan mo man lang sabihan."

"Long story. I will tell some other time kasi busy ka today. Look who's walking towards us."

Napatingin naman si Kat sa direksyon na tinitingnan niya.
Si Red Montalban, ang business partner nito at isa sa top ten na pinakabatang entrepreneur sa bansa.

Ang alam ng boung New Technology Company ay isang mataas na empleyado lang ng kompanya si Kat pero sa katunayan, siya ang silent partner ni Red. Itinago ng dalawa ang tungkol doon dahil ayaw ipaalam ni Kat sa mga investors niya at funding agency ng mga projects niya na mayroon siyang sariling kompanya.

"Aalis na ako bago magselos ang boyfriend mo." Nanunudyong sabi niya.

"Kuya, hindi ko siya boyfriend." Sagot naman nito.

"It's good to see you, Mr. Muhlach. How is your business expansion here?", magalang sa sabi ng nakababatang binata nang makalapit na ito sa kanila.

"Ayun, nagsisimula pa lang ang renovations ng office but in two to three weeks, magsisimula na ang operations but first I would like to invite my cousin here to install a security device on our new office. Pero I think that can wait until she has finished her project."

"I see. Well, goodluck."

"Thanks, I'll go ahead. Sige bro, Kat."

Tumango lang ang pinsan at nakipagkamay naman si Red.

Napailing na lang siya pagkaalis sa buidling. Masyado talagang pormal si Red at seryoso sa buhay. Naramdaman din niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa pagpasok pa lang ni Red sa opisina ni Kat.

There is something going on between those two pero hindi niya mawari. Naging seryoso at matigas ang expression ng mukha ni Kat pagkakita kay Red. At si Red naman ay hindi man lang ngumingiti.

Anyway, bahala na ang dalawa sa kung problema nila. Siya naman ay paghahandaan pa niya ang darating na family dinner ng pamilya Muhlach. Hindi niya alam kung paano niya yun sasabihin kay Lea.

✩✩✩

A/N:

Salamat po sa tiyaga na basahin to until this point.

God bless! 😊

Possibilities [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant