JAGUAR

1.1K 47 5
                                    

DAWN ZULUETA


"Ang galing talaga ng timing mo. Kung kailan heartbroken si Lea, yun naman ang pagdating mo. Aliwin mo siya, bahala ka na." Pagkakita pa lang sa paparating na si Vice ay yun na agad ang pambungad niya.



"Anong tingin mo sa akin, clown?" Asik ng bagong dating na kaibigan.


Mukhang masama din ang timpla.


"Parang ganun na nga. Sige na. Ikaw lang ang may kakayahang magpangiti diyan." Sulsol niya. Kasi pati siya ay hindi alam kung paano kakausapin si Lea.



"Ayoko nga, tingnan mo naman ang itsura, nakabusangot. Hindi heartbroken ang itsurang yan, galit at pagkainis ang tawag diyan."

Dahil glass panes ang windows ng naturang establishment ay kita nila ang loob nito.

And Lea is already inside waiting for them.

"Eeiii... ang dami mong palusot. Lapitan mo na. Late ka kasi."


9am ang usapan pero sa relo niya, 9:19am na.


Si Lea pa naman ang most punctual.

"E kung ikaw kaya. Kung makatulak ka naman. Parang hindi mo alam na bumubuga yan ng apoy." Sabi ni Vice na ayaw pa rin talagang lapitan si Lea.


"Alam mo naman pala, nagpahuli ka pa ng dating." Sabi naman niya.


"Di ba nauna kang dumating sa akin dito, dapat pumasok ka na para may kasama si Salonga. Siguro late ka din ano?" Suspetsa nito.


"Oo na." Pag-amin niya.


>>>


Pagkatapos ng mahabang diskusyon at tulakan sa labas ng Starbucks ay pumasok na rin sila sa loob.

"Higit sa ayoko ay yung late at pinaghihintay ako ng sobrang tagal." Bungad agad ni Lea sa kanila. Hindi pa sila nakakalapit ng tuluyan o nakakaupo man lang ay ito na agad ang narinig nila sa kanya.


"Uy, Salonga. Wala man lang Hi? O di kaya ay I miss you? Kahit pang echos lang?" Si Vice.

Kadarating lang kasi kahapon ni Vice pero inischedule na agad nila ang lakad nilang ito kasi 1 week lang daw ang bakasyon niya.


"Wala. Kanina pa ako naghihintay dito. Akala ko ba alas nwebe? Anong oras na?" Inis na sabi ni Lea.

"Sinabi ko ba kasing agahan mo? Sobra naman kasi atang advance yang relo mo. At saka 9 pa lang naman a. 9:30"


"Wag mo akong pilosopohin ngayon Vice, hindi maganda ang gising ko."

"At kasalanan ko pa kung hindi maganda ang gising mo?" Maang na tanong ni Vice.

"Ano ba kayo, ngayon na nga lang kayo magkikita, mag-aaway pa." Hindi na siya nakatiis at sumabat na sa usapan nila.


"Hindi away ang tawag dito, Zulueta.. lambingan.. di ba bes?" Nakangiting sabi ni Vice kay Lea. Pero inirapan lang siya ng huli.

"Ay! nagmemenopause. Sabagay nasa 30 na ang edad." Parinig ni Vice.

Tumawa naman siya sa tinuran ng kaibigan. Si Lea kunwaring walang narinig.


"Masaya na ako sa coffee, Salonga. Yun na lang ang ilibre mo sa akin."


"Natural kape naman talaga ang meron dito. Baka hindi mo nabasa ang nakalagay sa labas. Starbucks!"


"Bakit ba ang susungit niyo? Epekto ba yan ng pagiging matandang virgin?" Bulalas ni Vice.

"Gago!" Si Lea.

"Kung makapagmura ka parang hindi ka guro a. May ghad! Principal of a prestigious school!? Ganyan umasta? scandal of the century na ito ate!" Eksaheradang sabi ni Vice.



Sa lakas ng boses ni Vice, nakakaagaw na sila ng atensyon.



"Sumisigaw ka ba?" Tanong niya.

"HINDI!" Tumaas na naman ng bahagya ang boses nito.

"E bakit ganyan ang boses mo?" Tanong niya ulit.



"MASAYA LANG AKO!" Sabi ni Vice sa mas mataas na tono.

Napalingon na sa gawi nila ang iba pang nandoon.

"Tumigil ka na kung ayaw mong isaboy ko sayo itong kape." Banta ni Lea.

Tototohanin ni Lea ang bantang yun kaya umayos na si Vice.

"Sabi ko nga magkukwentuhan tayo. Kumusta ka naman, Salonga? Balita ko nagchange ka na daw ng pangalan." Pag-iiba nito ng tono. Yung tipong malanding interviewer.

"Anong nagchange?" Tanong naman ni Lei.


"I mean nadagdagan."

Lea looked at her, eyes silently asking what he means.

"Muhlach!" Sagot ko sa silent question niya.

"Long story." Sabi ni Lea.

"We have all day." Sabi naman ni Vice.

Wala nang nagawa si Lea kundi ikwento ang nangyari, sa sobrang kulit ba naman ni Vice.

"O ngayon? Mahal mo na?"

"No. And never mangyayari yan." Matigas at puno ng kompyansang sagot ni Lea.

"Sige, deny pa more. Diyan ka magaling."

"Sa hindi nga talaga." Giit pa rin ni Lea.

"E bakit hindi pa kayo naghihiwalay? Akala ko ba temporary lang. Paabutin niyo ba hanggang November 1?"

"Bakit naman November 1?." Tanong niya. Minsan talaga hindi nila masakyan ang trip ni Vice.

Tulad ngayon, siya lang ang tumatawa sa sarili nitong biro.

"Ewan ko sa'yo, Vice. Ang weird mo." Sabi ni Lea.

"Nga pala, trending ang nangyari sa Reunion niyo. Hanggang ngayon pa rin pala ay umaaasa si Nikki na mabibingwit niya si Aga noh?"

"Ay sinabi mo pa. Kung nakita mo lang ang reaksyon niya noong nalaman niyang kasal na si Aga. Epic!" Sabi niya.

"Kaya ikaw, Salonga. Kung ayaw mo talaga dun sa tao, pakawalan mo na kasi ang daming nagkakandarapa." Sabi ni Vice kay Lea.


"Willing naman akong ibigay a. Kung gusto nila, i-hand carry ko pa."

"Hmmnn.. tulak ng bibig..." bulong niya.

"May sinasabi ka, Dawn?" Taas kilay na tanong ni Lea.


Mukhang narinig ata.

Ang talas ng pandinig pero napakamanhid.

"Wala Madam Principal. Ubusin niyo na po yang kape niyo at nang makaalis na po tayo." Sabi na lang niya.

Parang kinontrata na nila ang Starbucks sa tagal nilang nandito.

>>>

Buong araw silang magkakasama, kung saan saan sila gumala. Hindi nila napansin ang isang grupo na kanina pa sunod ng sunod sa kanila.

Possibilities [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora