ALFA ROMEO

1.1K 54 9
                                    


AGA MUHLACH


"Nagsosolo ka ata ngayon." Puna ni John nang makita siyang mag-isa sa isang cottage habang tinutungga ang isang bote ng alak.

"Nasaan na yung asawa mong mala-tigre?" Biro pa ni John pero hindi pa rin siya umimik.


"Ano bang problema mo, pare? Parang lalim ng iniisip mo a."

"Wala ito."


"Anong wala? Halata namang problemado ka."


"Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko e. Hindi ko yata kayang paibigin siya."


"Yan na nga ang sinasabi namin sayo noon pa. Ikaw lang naman kasi itong mapilit e. Sa dinami dami ng babae dito sa mundo, ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Alam mo ang mabuti pa, tigilan mo na itong kahibangan mo."


Napabuntong-hininga siya sa tinuran ng kaibigan.


"Okay naman kami."


"Hoy! Gumising ka na nga! Okay kayo? Talaga? E bakit ka nag-eemote ngayon?"


"Minsan kasi parang hindi na niya maalala na gusto din niya ako. Na mahal na mahal din niya ako."


"Ha?"


Hindi napigilan ni John ang tumawa ng sobrang lakas kaya pati si Richard na nakatunghay mula sa balcony ng kwarto nila ay naintriga din.


Tumatawa pa rin si John nang makarating sa kinaroonan nila ang humahangos na si Richard.


"Anong nangyayari?" Humihingal na tanong nito.


"Hindi nakainom ng gamot itong unggoy na to." Siya na ang naunang sumagot sa tanong ni Richard.





Napakunot noo namang tumingin si Chard kay John.


"Bespreynd! Siya ang may sayad, Malala na talaga ang isang to. Grabe na mag-ilusyon, ipasok na natin sa mental." Sabi pa ni John kay Richard.


"Nahihilo na ako sa inyong dalawa. Sino ba talaga ang may sayad sa inyo?"

"Tumigil ka na kasi. Tawa ka pa ng tawa diyan e." Sita niya sa kaibigan.

Napaupo si Richard at hinintay na kumalma si John.

Nang sa wakas ay normal na ay naging seryoso ni John sa usapan.



"Muhlach said that Lea sometimes forgot that she likes him. We all know that Lea didn't, doesn't and will never like him." Umpisa ni John.


Gusto niyang batuhin ito ng bote ng alak na hawak niya pero nagpigil siya.



"Ang sakit mo namang magsalita, pare. Malay mo, totoong nagkagusto na nga si Lea kay Ags." Sabi naman ni Richard.


"Kung totoo man yun, e di sana hindi naglalasing itong kaibigan natin ngayon." -si John.


May point nga naman siya.

"Hindi ako naglalasing. Masama bang paminsan minsan ay uminom naman?" Depensa niya.


Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon