BMW

1.1K 47 11
                                    

LEA

Gusto niyang iuntog ang sarili sa kanyang mesa dahil wala man lang siyang nagawa para maagapan ang paghalik sa kanya ni Aga.



Maya maya pa ay bumukas ulit ang pinto at iniluwa si Dawn..

"Friend, ano yun?" Kinikilig na tanong ni Dawn. Umupo ito sa silya sa harap ng mesa niya at excited na excited.

"Please don't start." Nanghihinang sagot niya habang nakasandal sa kanyang upuan.

"Is this for real ba ba?", tanong nito.

"No. I don't even know what happened. First thing I know he was just sitting there then next I am in his arms and he's kissing me fiercely.." napabuntong hininga siya.

"Are you disappointed? Isn't he a good kisser? O baka naman nabitin ka." Sunod sunod na tanong ni Dawn.

"Hindi naman kwestyon yun kung magaling siyang humalik because he is.."



"Uh huh." Nanunudyong tanong ni Dawn. At saka lang niya narealize ang kanyang sinabi.


Hindi ito ang unang paghalik ni Aga sa kanya, years before ay nahalikan na siya nito during their prom. Mahirap mang aminin pero si Aga ang unang lalaking nakahalik sa kanya or rather ang tanging lalaking humalik sa kanya.

"He is very impulsive and does whatever he wants." Turan niya.

"We both know that already. What I want to know is what you feel about him. Kasi andami mong reklamo sa kanya pero I think sa nakita ko kanina is that you have fallen for him." Seryosong sabi ni Dawn.

"Hinding hindi mangyayari yun, itaga mo sa bato."

"Sinabi mo na rin yan noon. Na hinding hindi ka magiging asawa ni Aga. Pero tingnan mo ngayon. You are Mrs. AGA MUHLACH. Diyos ko bestftiend baka sa mga susunod na buwan malaman ko na lang na buntis ka na."

"E tarantado ang lokong yun. Alam mo kung ano ang nangyari, kung bakit ako nasa sitwasyong ito ngayon." Depensa niya.

Dawn just shrugged. "Hay naku, sige lang Lea. Idahilan mo na ang lahat ng pwedeng idahilan."

Inirapan niya ang kaibigan. Kahit anong sabihin ata niya dito ay hindi mawawala ang paniniwala niyang napaibig na siya ni Muhlach.

"Anyway, bakit ka nga ba bigla na lang pumasok kanina? At ilang ulit ko bang sasabihin na kumatok ka muna." Iritadong tanong niya.

"Lesson learned ma'am." Sabi naman nito at di alintana ang tono ang kanyang tono. "Regarding ito sa darating na annual homecoming ng batch natin. Pinapatanong ang exact venue."

"Sinong nagtatanong?" Nakakaintriga kung sino man yun dahil halos lahat na ng mga kaklase nila na inanyayahan nila ay nagconfirm na dadalo at nasabihan na rin kung saan ang venue.

"Dominique Alleje. Remember? Iyong cheerleader na papansin sa grupo ng asawa mo?" Sabi ni Dawn.

Kilala niya si Dominique or Nikki for short dahil maganda ito, sosyalera, galante, at anak mayaman tulad din nila, yun nga lang nasobrahan ang pagiging brat nito at sobrang yabang din.


Hindi niya alam na nagpapansin si Nikki kay Aga noon dahil wala naman siyang pakialam. As long as hindi siya ginugulo.

"Okay, hindi mo alam." Panimula ni Dawn.

"Siya lang naman iyong nagsabotahe noon sa fare na ginawa ng grupo mo dahil nagseselos siya sa'yo dahil nakatuon ang boung atensyon ni Aga sa'yo." Imporma ni Dawn.

"Hindi ko alam na siya ang may pakana nun." Sabi niya.

"Now you know. I didn't tell you then dahil wala naman matibay na ebidensya at baka lalo lang na mag init ang ulo mo kay Aga dahil I'm quite sure hindi ka kay Dominique magagalit at that time."

"At bakit naman ako magagalit kay Aga?"

"Kasi nga diba siya lang naman ang matapang na galitin ka, malamang siya agad ang suspek mo. Boung student council nga, ilag sayo." Pagpapaliwanag ni Dawn.

Napailing na lang siya sa narinig.
Hindi niya alam na may mga ganitong eksena palang nangyari noon.

"So you are telling me na pupunta si Dominique sa reunion? At kumusta naman ang kanyang status? May asawa na ba? Baka naman hanggang ngayon ay may pagtingin pa siya kay Aga." Hindi niya mapigilang itanong. Kailangan niya kasing paghandaan ito kung sakali man.

"Aba, ewan ko. Bakit nagseselos ka?" Tanong ni Dawn.

"Hindi." Madiin niyang tanggi. Gusto ko lang makasiguro na hindi yun manggugulo once na nalaman niyang mag asawa kami ni Muhlach." Dahilan niya.

"Hindi naman siguro. Ang tagal na nun. Pero sa tanong mo kanina, wala pa siyang asawa. Though socialite siya sa Paris, wala pa namang balita na kasal siya."

Parang lalong sumakit ang ulo niya sa narinig. Posibleng manggulo yun, lalo pa at alam niyang spoiled brat ito, at lahat ng gustuhin nito ay makukuha niya sa kahit anong paraan.

But Aga is the exception.

"Sabihin mong wala pang exact venue. Alam ba niya na ako ang Principal dito?"

"Yes. I think isa yun sa dahilan kaya siya naging interesado. Ayoko rin siyang pumunta pero I need to tell her pa rin kasi baka ito pa ang dahilan para magkaroon ng digmaan." Pabirong sabi ni Dawn.

"Does she knew that I am Mrs. Aga Muhlach?" Tanong niya.

Napangiti ng matamis si Dawn. "So tinatanggap mo na ang bago mong title?" Nanunudyong tanong nito.

"Be serious."

"Okay. I think not. Kaya take care of your husband." Warning ng kaibigan sa kanya.

"Wala akong pakialam kahit gawin pa niyang kerida ang babaeng yun."

"Subukan mo kayang mahalin yung tao or bigyan man lang siya ng chance kasi kitang kita naman na mahal na mahal ka niya."


Tiningnan niya ito ng sobrang sama.

"Sige aalis na ako." Sabi nito at kumaripas palabas ng pinto.


Panibagong problema na naman ang kakaharapin niya. Problema sa katauhan ni Nikki Alleje.

Mula nang dumating si Aga ang nagsisimula na namang gumulo ang tahimik niyang mundo.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon